Asam ng Pilipinong racing superstar na si Enzo Pastor na itala ang kasaysayan bilang unang atleta na makakapag-uwi ng international title para sa bansa sa paglahok sa prestihiyosong Euro Racecar NASCAR Touring Series sa Nagaro, France sa Marso 30.
“I haven’t felt this excited going into a race in a long time,” sinabi ng 31-anyos na si Pastor, nagsimula sa pagsabak sa motoring sport sa edad na 17-anyos.
“This is for the country and for me to be the first and become the stepping stone for bigger motor sports event be held in the Philippines,” giit pa ni Pastor.
Ito ang unang pagkakataon na lalahok si Pastor na sakay ang isang uri ng kotse na pawang magkakapareho ang kapasidad ng makina na magbibigay dito ng malaking tsansa para maiuwi ang pinakaasam na titulo.
“The big challenge is to get my first international title,” ayon kay Pastor.
“Also, I am not getting any younger and this is also the best chance to bring home an elusive title,” dagdag nito.
Pantay naman ang tsansa sa mga kasali sa karera kung saan magkakapareho ang makina ng gagamitin sa kotse at tanging magkakatalo lamang sa skill at ekspiriyensa ng driver.
Makakasama naman si Pastor sa nagtatanggol na kampeon at ang maalamat na Formula One visionary na si Ted Toleman na siyang nakadiskubre at gumiya sa kilalang Brazilian driver na si Ayrton Senna noong dekada 80-90. – Angie Oredo
Related Posts:
- Pastor, nalunod
- 13 nasawi, 59 sugatan sa naganap na aksidente sa Saranggani
- 3M DOLYAR?
- Pastor, kalaboso dahil sa pananampal
- Arcilla, Patrimonio, lalahok sa KAAO
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/pastor-lalahok-sa-euro-racecar/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment