Mag-aangkat pa rin ng bigas ang Pilipinas kahit abot-kamay na ng bansa ang rice self-sufficiency ngayong taon.
Ito ang sinabi ni Agriculuture Secretary Proceso Alcala, sinabing may international commitment ang bansa sa World Trade Organization (WTO) na minimum access volume ng bigas na maaaring ipasok sa alinmang bansa hanggang nababayaran ang kaukulang buwis para rito.
Nilinaw ni Alcala na hindi matatanggihan ng Pilipinas ang bigas na ipapasok ng mga dayuhan sa bansa dahil bahagi ito ng nasabing kasunduan sa WTO.
Sinabi ng kalihim na pinasok ng bansa ang kasunduan sa WTO noong kulang na kulang ang supply ng bigas sa bansa.
Ito ang tugon ni Alcala sa pagkuwestiyon ng ilan kung bakit kailangan pa ng Pilipinas na umangkat ng bigas kung sinasabi ng gobyerno na sapat ang inaani ng mga lokal na magsasaka. – Jun Fabon
Related Posts:
- Sapat na bigas, kayang-kaya
- DA: Rice importation, ‘di gagastusan
- Pilipinas, mag-aangkat ng bigas
- Pagbabawang, muling pasisiglahin ng DA
- Supply ng bigas, ‘di kakapusin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/pinas-obligadong-umangkat-ng-bigas/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment