Tuesday, March 19, 2013

PSC,POC, ‘wag sisihin- Chiz

Sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero kahapon na nagawa na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang papel nito upang palambutin ang magiging epekto ng posibleng magiging hampas ng darating na Southeast Asian Games sa Myanmar.



Ngunit mariing sinabi ng mababatas na kailangan ding mag-ambag ng gobyerno sa mga hakbang upang magkaroon ng mga pagbabago sa kada dalawang taon na Games upang maging mas akma ito sa makabagong panahon.


Ayon kay Escudero, nasa tamang landas ang PSC sa pagtulong nito sa Philippine Olympic Committee (POC) sa pagtutulak ng mga reporma, kabilang ang pagbabago sa SEA Games Charter, ngunit idinagdag niya na kalahati lamang ito kung seryoso ang gobyerno sa pag-aangat ng mga tsansa ng mga PIlipinong atleta upang manalo ng isa pang medalya sa Olympics.


Ang naging pagbisita ni Sheikh Fahad Al-Sabah, presidente ng Olympic Council of Asia, ay bahagyang nagpalakas sa tsansa ng Pilipinas na makakuha ng karagdagang suporta sa ibang kaanib na bansa sa SEA Games sa pagtutulak ng mga reportma.


Ngunit ang SEA Games, ayon kay Escudero, ay nasa ilalim ng mga hanay ng mga sporting event.


Dagdag ni Escudero, ang gawain ng PSC ay ang maghanap ng ibang pagdarausan ng pagsasanay ng mga Pilipinong atleta upang mas palakasin ang kanilang tsansa na magkuwalipika sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.


Ang hindi pagkakasali ng ilang Olympic sport sa Myanmar ay naglagay sa kampanya ng Pilipinas sa SEA Games sa alanganin.


Nabawasan ang pag-asa ng Pilipinas na manalo ng mga medalya nang tanggalin ng mga organizer ng Myanmar ang ilang Olympic events – lawn tennis, gymnastics, water polo at badminton, mula sa 33 isport na paglalabanan sa kaganapang gagawin sa Disyembre 11 hanggang 22.


Mga katutubong laro naman ang inilagay ng Myanmar na tulad ng vovinam, tarungderajat, kempo at chin lone sa lugar ng mga Olympic events at maaring maitulak pa paibaba ang Pilipinas mula sa pinakapangit nitong pagtatapos na ikaanim na puwesto.


Ngunit hindi dapat ito maging dahilan upang masira ang loob ng mga opisyal ng PSC at mga atleta, ayon kay Escudero.


“It’s a setback. There’s no other way to call it but that,” sinabi ni Escudero. “But we should move on and think about the bigger tasks ahead, like the Asian Games and the Olympics, where we have not been winning medals for a long time now.”


Sinubukan ng Philippine Olympic Committee (POC) na harangin ang pagsasali ng mas maraming katutubong laro na pabor lamang sa iilang karatig bansa, ngunit sinabi ni Escudero na sa kasalukuyang kinalalagyan ng SEA Games, mas pinapaboran ang host country sa pagpili ng mga ilalagay na isport sa kanilang kalendaryo.


“We have benefitted from this practice when we won the overall championship in 2005,” giit pa ni Escudero.


“We almost won the overall championship in 1991 when we were also the hosts,” dagdag ni Escudero. “And host countries always win, or finish in the top places, whenever they take their turn. It’s time for the SEA Games Federation countries to review these practice and accept the POC option of instituting Olympic events in the next editions of the Games to ensure fairness among competitors and help raise the level of Olympic standards in the region.”


Nabatid pa kay Escudero, hindi na maibubunton ang sisi sa PSC at POC kung mas magiging mababa ang magiging puwesto ng mga atletang Pilipino sa Myanmar.


“There is nothing much we could do now but give our best in the events we are participating in,” pahayag ni Escudero. “But there should no longer be any more blaming games, no more fault hunting. The PSC had conditioned the minds of sports fans. Enough of that, already. Let us all move on and do our jobs well.”


Pahayag ni Escudero, maaaring gastusin ng PSC ang naipong mahigit sa P500-milyon sa pagsasanay ng mga atleta para sa kompetisyon sa Rio.


“There is more than enough with this money available,” ani Escudero.


“While the SEA Games remain important in our sporting calendar, we should not take our focus away from the Olympics. It would do us best if we choose our priority Olympic events right away and give them funding aside from what they receive from their private sponsors,” sinabi pa ni Escudero, na isang pistol shooter at bike enthusiast.


Huling nakatuntong sa podium ng Olympics ang Philippines noong 1996 nang magkasya sa silver medal si Mansueto “Onyok” Velasco sa light-flyweight division nang matalo ito kay Daniel Petrov Bujilov ng Bulgaria na nag-uwi ng ginto.


Hindi nakapaguwi ng medalya ang Pilipinas sa mga sumunod na Olympics sa Sydney (2000), Athens (2004), Beijing (2008) at London (2012).


“The PSC has the capability to stop our decline this time. And let us support the POC’s fight for fair competition in the SEA Games” pahayag ni Escudero. These are heavy workloads for our athletes and sports officials, but we all have to do these now.”





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/19/pscpoc-wag-sisihin-chiz/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment