Isang bata, matikas at maimpluwensiyang sportsman at negosyante na kumakatawan sa kasalukuyang henerasyon ng mga pinuno ng isports ang magiging panauhing pandangal ng PSA-MILO Annual Awards Night na nakatakda sa Sabado sa grand ballroom ng makasaysayang Manila Hotel.
Ang may-ari ng Globalport 900 Inc. at kilalang tagatangkilik ng isports, sasamahan ni Mikee Romero ang pinakamatandang organisasyon ng media sa bansa sa dalawang oras na seremonya na magbibigay parangal sa mga pinakamahusay at pinakamaningning noong 2012.
Makakasama ni Romero sa ang mga matataas na opisyal ng isports sa bansa sa pangunguna ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ritchie Garcia.
Ayon sa pangulo ng PSA na si Rey Bancod ng Tempo, ang pasyon at matibay na suporta ni Romero para sa isports ay hindi mapagdududahan, patunay nito ang kanyang pagkatig sa basketball, baseball, cycling, shooting, mixed martial arts, at kamakailan lamang, volleyball at polo.
Ang kanyang kasigasigan ay dahilan kung bakit siya ay akmang maging guest speaker sa gabi ng kasiyahan bilang selebrasyon sa paglitaw ng mga kabataang atleta na nagpakita ng malaking potensiyal, na maaaninag sa malaking bilang ng mga tatanggap ng Tony Siddayao Award at ang pagkilala sa MILO Junior Athletes of the Year.
Ang pagpapaunlak ng dating basketball godfather sa pagtitipon na mapapakinggan sa DZSR Sports Radio 918 at handog ng Philippine Sports Commission, Smart, Meralco, Rain or Shine, Globalport 900, Philippine Basketball Association, Senator Chiz Escudero, ICTSI and Philippine Golf Tour, LBC, SM Prime Holdings, at San Miguel Corporation, ay tunay naman napapanahon.
Katatapos lamang maging punong abala ng dating manlalaro ng La Salle sa isang dalawang araw na polo festival sa Alabang Country Club sa kanyang layon na palaganapin ang isport sa bansa.
Siya rin ang team manager ng La Salle Lady Spikers na kamakailan lang ay nakopo ang ikatlong sunod na korona sa UAAP women’s volleyball.
“That only shows how passionate Mr. Mikee Romero is as far as uplifting Philippine sports is concerned,” ani Bancod.
Si Romero at ang mga matataas na opisyal ng isports ay inaaasahang personal na iaabot ang prestihiyosong Athlete of the Year award sa co-winners na sina Nonito Donaire Jr., Josie Gabuco, Ateneo Blue Eagles, at Manila women’s softball team.
Related Posts:
- Commssioner Salud, isang perpektong opisyal
- SBP, NGAP, napiling top NSAs
- Caligdong, Sacapano, pinarangalang Mr. Football
- Caguioa, Parks, pararangalan ng PSA
- Romero, pangunahing bisita sa PSA
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/14/romero-naimbitahan-bilang-panauhing-pandangal/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment