Sunday, March 24, 2013

Runners, nadismaya sa OFW Run

Muntik nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga mananakbo at nag-organisa ng OFW Run 2013 na may 3K/5K/10K at 16K categories kahapon ng umaga sa Quirino Grandstand.


Galit na nagsisugod sa itaas ng stage ang mga runner na kabilang sa Top 10 matapos na bigyan lamang ng premyo ang nangunang tatlo sa bawat kategorya taliwas sa dapat sana’y sa kabuuang 10 mga nagsipanalo sa naturang karera.



“They say in their flyers and also in the website that the Top 10 placer will have prizes. But what happened was they just give prizes to the Top 3,” sinabi ng Chinese na si Sumico Tan, hawak pa ang card na nagpapakita na pumanglima siya sa tampok na 16K para sa kababaihan.


Muntik pang madaganan ang manunulat na ito sa biglaang pagsugod ng mga naghihintay na mga runner paakyat sa Grandstand habang pilit na kinukuha ang mga pangalan ng mga nagsipagwagi dahil hindi nakalagay sa resulta ang mga pangalan ng mga nagwagi.


Ilang galit na runners naman ang dumampot sa mga in-kind na premyo matapos na hindi maibigay ng organizers ang kanilang dapat na makuhang premyo na para dapat sa ikaapat hanggang ika-10 puwesto.


Winalis naman ng mga Kenyan ang tampok na 16K na sina Elijah Kipruto (champion), Benjamin Kipkazi (ikalawa) at Willie Rotich (ikatlo). Nagwagi naman sa kababaihan si Mary Grace Delos Santos kasunod si Airene Kipchumba (ikalawa) at NheAnn Barcena (ikatlo).


Nagwagi naman sa 10K si Richard Salano, kasunod si Rafael Poliquit Jr. at ikatlo si Philip Rono habang sa kababaihan ay si Jenismyll Mabunga, kasunod si Luisa Raterta, at ikatlo si Miessel Debyuna.


Puro numero lamang ng runner ang naitalang nagwagi sa 5K na 1760 (kampeon), 579 (ikalawa) at 5914 (ikatlo) habang sa kababaihan ay 6205 (kampeon), 4444 (ikalawa) at 8133 (ikatlo). Gayundin ang resulta sa 3K kung saan nagwagi ang 3638 (kampeon), 4366 (ikalawa) at 4359 (ikatlo) sa kalalakihan at 4403 (kampeon), 4142 (ikalawa) at 4145 (ikatlo) sa kababaihan. – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/runners-nadismaya-sa-ofw-run/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment