Friday, March 29, 2013

SA TAHANAN HINAHASA ANG KABATAAN

“Strength of character may be acquired at work. But beauty of character is learned at home. There affections are trained. There, the gentle life reaches us, the true heavens life. In one word the family circle is the supreme conductor of Christianity.“ – Anonymous


Ang ganda ng ating pag-uugali ay sa tahanan hinahasa BAITANGBAITANG at dahan-dahan. Iyan ang mithi ng ating mga magulang.



Narito ang mag-asawa na kapwa nagtitinda ng isda sa bangketa. Hatinggabi pa lamang ay namamakyaw na sila ng isda sa fishport.


Bago sumapit ang ALAS DOSE NG TANGHALI ay naroon na ang mag-asawa sa bahay upang MAGPAHINGA AT MATULOG sandali.


Pagsapit ng hapon ay naroon nang magkakasalo ang buong pamilya sa hapunan. Kahit elementarya lamang ang narating ng mag-asawa ay maraming aral ang naihahasik nila sa isip ng kanilang mga anak.


Bago mag-asawa si Mang Ambo ay naging helper BOY siya sa pamilyang Castro. PAWANG matagumpay sa buhay ang mga anak ni Mr. Castro. Tuwing katapusan ng buwan ay naroon si Mang Ambo sa bookstore. Ginagaya niya ang kanyang mga amo na namimili ng mga aklat sa bargain sale.


Iyong maliit na bahay ni Mang Ambo ay nilagyan niya sa isang SULOK ng study CORNER. Sa gulang na tatlong taon ay nakaupo na roon at kanyang binibigyan ng krayola at coloring book ng anak. Naroon sila sa pook ng mga iskwater ngunit ulirang pamilya sila. Sila ang naging huwaran sa pook na iyon. Hindi nag-babarkada ang mga anak nilang PAWANG mga lalaki. Isang araw ay may dumating na telegram para kay Myrna, asawa ni Mang Ambo. Pinapauwi DAW siya sa Cebu ng kanyang Tiya Luz `pagkat nasa ospital ito at malubha. TUWANGTUWA ang matandang dalaga nang makita si Myrna. Pinasundo agad ni Luz ang kanyang abogado.

Hindi makapaniwala si Myrna na tanging siya ang eredera ng kanyang Tiya Luz na MAYAMANG MAYAMAN.


Namatay ang matanda. Naalala ni Myrna ang barung-barong nila sa Maynila. Bago siya matulog ay paulit-ulit ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sapagkat nagkaroon siya ng ulirang asawa at anak.

At higit sa lahat ay nailapit ng mag-asawa ang mga anak sa Panginoon.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/sa-tahanan-hinahasa-ang-kabataan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment