Wednesday, March 13, 2013

SABAH ISINUKO

“Sa ipinakitang asta ng Pangulo, mabisa na niyang isinuko ang ating pagmamay-ari sa Sabah”. Ito ang palihim na komento ng isang matalino at ginagalang na senador ng bansa, na aking ikukubli ang pangalan. Kung mapapansin, pati ang kabuuang institusyon ng Mataas na Kapulungan ng Pilipinas ay nanlalamig sa kawalan ng makabasag pinggang pagpuna, huntahan, o kahit man lang ay magpa-ulan ng tanong sa Palasyo dahil sa nagaganap na pang-aabuso at masaker ng Malaysia sa mga kababayan nating Pilipino sa Lahad Datu Sabah. Liban sa mabibilang ng isang kamay na mga kumakandidato, Ernesto Maceda at Koko Pimentel, na lantarang sumusuporta sa pagmamay-ari natin sa Sabah, ang karamihan ay mistulang dakilang miron na nanonood lang sa madugong bangungot na dinadanas ng mga Kiram, Pilipino-Tausog, at sa pagyurak sa karangalan ng bansa ng Pamahalaang Malaysia. May kasalukuyang at dating senador na nagbitiw ng, “Pabayaan mo sila (Malakanyang) matisud sa sunod-sunod na kapalpakan”. Ang iba naman ganito, “Talagang pang-konseho lang ng Pamantasan ang alam patakbuhin ng mga ito”. Ang pinakamatindi, nagmula sa taga-pagpayo ni Bise Presidente Jojo Binay sa “ugnayang panlabas”. Wari niya, “Ahente ng Malaysia ang Pangulo”. Hindi rin maialis na may mga ka-alyado ang Administrasyon na todo suporta sa lahat ng hakbangin nito.


Kung bakit, tikom ang bibig ng ating kadalasang madal-dal na mga Senador (lalo mga kumakandidato) ay dahil dinadaga banggain ang Pangulo sa gitna ng halalan dahil baka daw ma “hocus-PCOS” (dayain) sa bilangan. Pagkatapos ng Mayo daw, maari na muli manita sa ka-bobohang paghuhudas sa interes ng Pilipinas.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/14/sabah-isinuko/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment