Monday, March 18, 2013

Salapuddin, absuwelto sa Batasan bombing

Inabsuwelto ng Korte Suprema si dating Basilan Rep. Abdulgani “Gerry” Salapuddin kaugnay ng kaso ng Batasan bombing noong Nobyembre 2007.


Ito ay makaraang baligtarin ng Korte Suprema ang 2008 Resolution ng Court of Appeals (CA) at pagtibayin ang April 23, 2008 Resolution ng DoJ na nag-aalis sa pangalan ni Salapudin sa information sheet dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.



Kaugnay nito, ipinag-utos ng Korte ang pag-alis sa pangalan ni Salapuddin sa listahan ng mga kinasuhan ng multiple murder at frustrated murder sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).


Matatandaang Nobyembre 13, 2007, sa pagtatapos ng sesyon sa Kongreso, ay isang pagsabog ang nangyari malapit sa entrance ng South Wing lobby ng House of Representatives sa Batasan Complex, Quezon City.


Kabilang sa nasawi sa nasabing pagsabog sina Rep. Wahab Akbar, Marcial Taldo, Jul-Asiri Hayudini, Maan Gale Bustaliño, at Dennis Manila habang ilan ang sugatan.


Nadawit ang pangalan ni Salapudin matapos isalaysay ng isa sa mga akusadong si Adham Kusain na minsan siyang nakitira sa bahay ni Salapuddin. – Beth Camia





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/19/salapuddin-absuwelto-sa-batasan-bombing/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment