Friday, March 29, 2013

Treasure hunting: 2 opisyal sinibak

BAGUIO CITY, Philippines – Dalawang matataas na empleyado ng John Hay Management Corporation (JHMC) na namamahala sa Camp John Hay, ang sinibak sa paglabag sa Code of Discipline ng JHMC Personnel Policy, nang magsasagawa ng treasure hunting sa ilalim ng Bell House sa Baguio City.



Agad na sinibak sa puwesto ang OIC vice-president at Chief Operations Officer na si Ken D. Aquilet at si Peter

D. Garas, Administrative services department manager ng JHMC. Ang dalawa ay tinaguriang No.2 at No.3 ng korporasyon.


Nabatid kay Dr. Jamie Louise Agbayani, Presidente ng JHMC, ang dalawa ang namamahala sa konstruksyon ng septic tank ng Bell House, na sinimulan noong Disyembre 29, 2012 at sa tulong isang impormante ay ibinunyag noong Marso 13, 2013 ang nagaganap na paghuhukay sa katabi ng ginagawang septic tank. Walang iniulat kung may nakuhang treasure ang mga suspek.


Ang hukay ay may lalim na 15 feet para umano’y hanapin ang Yamashita treasure. Naniniwala ang JHMC na may sangkot na pribadong indibiwal na nagpopondo sa treasure hunting, na ngayon ay pinaiimbestigahan na sa National Bureau of Investigation.


Ang Bell House ay isa sa mga pinakalumang istraktura sa loob ng Camp John Hay na itinayo mula 1911 hanggang 1914, at naging tirahan ng matataas na opisyal US Armed Forces at di-kalayuan ay ng US Ambassador House na pinagdalhan sa sumukong si General Yamashita para pirmahan ang pagsuko nito. – Rizaldy Comanda





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/treasure-hunting-2-opisyal-sinibak/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment