Tuesday, March 19, 2013

6 skin whitening cream, ipinagbawal

Ni Mary Ann Santiago


Anim pang skin whitening cream na nagtataglay umano ng nakalalasong mercury ang ipinag-utos ng Food and Drugs Administration (FDA) na ipagbawal na sa merkado dahil sa panganib na dulot nito sa kalusugan.


Batay sa Advisory 2012-018-A ng Department of Health (DoH)-FDA noong Marso 14, nagdagdag pa ito sa listahan ng mga ipinagbabawal na mercury-containing skin whitening product, mula sa 71 noong Nobyembre 2012 ay 77 na ito ngayon.



Kabilang sa mga nadagdag ang 1) Fruit & Lovely Quickacting Whitener & Speckle Remover Package, 2) Yudantang Green Olive and Papaya Natural Essence 6 Days Specific Eliminating Freckle Whitening Sun Block Cream, 3) Spring Return Ginseng and Pearl Natural Pure Plants Whitening Cream, 4) Natural Orange Whitening and Anti-Aging Package, 5) TVC Spot Remover, at 6) Yoko Whitening Cream with SPF-15.


Nabatid na lahat ng nabanggit na produkto, maliban sa Yoko, ay hindi sumailalim sa notification procedures ng FDA.


Ayon kay FDA Director Kenneth Hartigan-Go, delikado sa kalusugan ang mga naturang skin whitening cream dahil sa taglay na mercury ng mga ito na maaaring magbunsod sa pagkawala ng normal resistance ng balat laban sa bacterial at fungal infections at pagsasalin ng mercury sa mga fetus ng mga buntis na gagamit nito, na maaaring magresulta sa neurodevelopment deficits sa sanggol.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/6-skin-whitening-cream-ipinagbawal/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

1 comment:

  1. Sabi na nga ba, meron talaga mga whitening creams sa Philippines na di rin talaga safe. Di kaya mas maganda natural whitening nalang?

    ReplyDelete