Tuesday, March 19, 2013

Amputee, naka-upset sa PhilSpada

Sta. Cruz, Laguna – Mainit na nagsimula ang kompetisyon sa ginaganap na 2nd PSC-PHILSPADA Para National Games matapos agad maitala ang isang malaking upset sa pagwawagi ng isang Cebu amputee kontra sa miyembro ng pambansang koponan at isa sa siyam na kasama sa 2012 London ParaLympic Games.



Walang pagsidlan ng kasiyahan ang 28-anyos at mula Mandaue City, Cebu na si Arman Dino matapos maungusan ang beterano at ParaLympics multi-medalist na si Isidro Vildosola upang iuwi ang unang gintong medalya na nakataya sa torneo na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).


“First time ko po sumali sa Para Games at hindi ko po alam na matatalo ko ang miyembro ng national team,” sabi ni Dino, na kabilang sa kategorya na T46 o amputee na naputol ang kanang kamay noong edad 7-taon matapos na maputukan ng Super Lolo.


“Na-discourage po ako first two years noong maputol ang kamay ko dahil Grade 2 pa lang po ako. Pinagtatawanan ako ng mga classmates ko pero naovercome ko po iyon noong sumasali sali na ako sa mga tournament tulad nito,” sabi ni Dino na bunso sa pitong magkakapatid.


Sinandigan naman ni Dino, na isang entertainer at champion din sa amateur singing contest, ang madalas na pagsali sa provincial races upang ungusan sa pagtawid lamang sa finish line ang naging Asian ParaLympics silver medalist at ikapito sa 2012 London ParaLympics na si Vildosola.


Itinala ni Dino ang kabuuang 58:58 segundo upang iuwi ang kanyang unang gintong medalya sa torneo habang si Vildosola ay mayroong 59:58 upang magkasya lamang sa pilak. Pumangatlo naman si Richard Gonzales sa itinalang 1:04:16 oras.


Maliban sa athletics, nagsimula na rin ang aksiyon sa badminton, table tennis at chess. Sisimulan ngayon ang iba pang isport na swimming, goalball, Tenpin bowling, Boccia, at ang tatlong demonstration sports na sitting volleyball, cycling at wheelchair tennis.


Ang 2nd PSC – PHILSPADA ay inoorganisa ng Para Philippine Sports Association for Differently Abled

National Paralympic Committee of the Philippines (PHILSPADA-NPC Philippines) sa pakikipagtulungan din ng Department of Education (DepEd), Provincial Government of Laguna, Department of Interior and Local Government (DILG) at National Council on Disability Affairs (NCDA). – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/amputee-naka-upset-sa-philspada/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment