Ni Mary Ann Santiago
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha ngayong tag-init.
Ayon sa DOH, may anim na karaniwang sakit na nakukuha kapag mainit ang panahon na tinatawag na 6 common summer diseases o conditions (6S), na maaari umanong maging sanhi ng malalang epekto sa ating kalusugan.
Kabilang dito ang sore eyes, sunburn, sipon at ubo, suka at tae, sakit sa balat at sakmal ng aso.
Babala ng DOH, ang “sore eyes o conjunctivitis” kapag mali ang paggamot ay maaaring magresulta sa pagkabulag. Nilinaw ng DOH na ito higit pa sa iritasyon sa mata dahil posibleng dulot ito ng mapanganib na bacteria o virus na madaling maihawa.
Pero madali lamang itong malunasan sa pamamagitan ng paggamit ng eye drops na inirereseta ng mga doktor. Mainam na pang-iwas upang maikalat ito ang regular na paghuhugas ng kamay.
Ang “sunburn” naman ay maaaring iwasan kung oorasan ang mga outdoor activities. Mas mainam umano kung gagawin ang outdoor activities sa umaga o sa hapon at umiwas sa pagbibilad sa araw mula 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon. Maaari namang gumamit ng sunscreen o sunblock kung hindi maiiwasan ang paglabas kahit na sobrang init ng panahon.
Maiiwasan naman ang heat stroke na nakukuha sa labis na pagbibilad sa pamamagitan ng pag-inom ng walo hanggang 12 baso ng tubig araw-araw, pagiwas sa matagal na pagkabilad sa araw. Partikular na pinapayuhan ng DOH na uminom ng maraming tubig ang mga nagpepenitensiya ngayong Semana Santa.
Ang “sipon at ubo” naman ay madaling kumalat kapag summer dahil sa sobrang init ng panahon at paminsan-minsang pag-ulan. Pinapayuhan ng DOH ang matatanda na magpabakuna laban sa influenza upang labanan ang flu season na karaniwang nagsisimula sa Hunyo. Tiniyak ng DOH na patuloy ang kanilang monitoring sa suspected cases ng bagong coronavirus, na sa kasalukuyan ay umabot na sa 16 na kaso at siyam sa mga ito ang binawian ng buhay. Madaling makaiwas sa sakit kung palagiang maghuhugas ng kamay at tatakpan ang bibig at ilong tuwing uubo o babahing. Dapat din umanong manatili na lamang sa bahay kung may ubo at sipon.
Isa pa sa karaniwang sakit sa tag-init ang “pagsusuka at pagtatae” na nakukuha sa mga pagkain na madaling masira. Payo ng DOH, mainam kung magiging maingat sa pagbili ng street foods at mga pagkain na binabaon sa out-of-town trips. Paalala ng DOH, madaling masira ang pagkain kapag taginit. Sakali naman umanong nagsusuka na at nagtatae ay mainam kung uminom ng oral rehydration salt solution, na dapat ay palaging baunin sakaling magkaroon ng malalang kaso ng diarrhea.
Karaniwan namang nakukuha ang “sakit sa balat“ kapag summer, lalo na kung maliligo sa maruming tubig o hindi namamantineng public swimming pool. Paalala ng DOH, dapat na maligo bago at pagkatapos na magbabad sa pool at hindi rin dapat na umihi sa swimming pool.
Gayunman, binigyang-diin ng DOH na ang tunay na disgrasya sa swimming pool ay ang pagkalunod partikular na sa mga paslit, na hindi dapat na iwanang mag-isa sa swimming pool o maging sa beach.
Mapanganib din at karaniwang marami ang nabibiktima ng kagat ng aso sa panahon ng tag-init, na pinagmumulan ng rabies kung hindi nahugasan at nagamot nang mabuti ang sugat. Dapat umanong tiyakin na ang mga aso ay nabakunahan ng anti-rabies at kung nakagat na ng aso ay kaagad na bumisita sa animal bite center para mabigyan ng rabies vaccination.
Giit ng DOH, maaari namang maging danger-proof ang summer escapades ng publiko ngayong summer, kung kailan nakaugalian na ng mga Pinoy na bumiyahe at magbakasyon sa malalayong lugar tulad ng magagandang beach upang maglibang at mag-bonding.
Related Posts:
- Uhaw, ‘di dapat ipagwalambahala -DoH
- Mag-ingat sa summer diseases
- Sakit sa tag-araw, iwasan
- Babala kontra sakit ngayong Pasko
- Mag-ingat sa iba’t ibang sakit ngayong tag-ulan -DoH
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/6s-sa-tag-init-iwasan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment