Tuesday, March 5, 2013

Ai Ai, ‘di battered girlfriend

Ni Jimi C. Escala


Ai Ai Delas Alas NAGHIWALAY sina Ai Ai delas Alas at Jed Salang nang magkaroon ng matinding away at nagbitaw ng salita ang comedy queen na hindi niya kayang makipagbalikan sa boyfriend.


Para makalimot, nagtungo ng America si Ai Ai. Pero sobra-sobra ang ginawang panunuyo ni Jed sa kanya.



“Ang ganda ng lola n’yo.yo. Sino ba ako para hindi bibigay sa ginawa ni Jed sa akin?“ sey ni Ai Ai nang makausap namin last Sunday. Insecurities sa parte niya ang dahilan ng sunud-sunod na pagtatalo nila.


“Sa tototo lang, isa `yan yan sa mga rason kung bakit nagdesisyon akong pumunta sa America. But still na-realize ko na may mga pagkakamali rin pala ako. Hindi lang pala si Jed ang may kasalanan kundi ako rin.


“Kaya Kaya naisip ko na why not bigyan pa ang sarili ko ng isang pagkakataon na umibig ulit. Ang dami kong inisip tungkol sa relasyon namin ni Jed. Sa akin lang, ayoko na talagang maulit muli `yung mga dati kong pagkakamali sa larangan ng pag-ibig,“ seryoso pero natatawa namang sambit ni Ms. A.


Aminado ang komedyanang aktres na nananatili sa kanya ang trauma niya sa mga lalaki. At ang ilan sa mga nakakausap niyang kakilala, sa halip na unawain siya ay kung anu-ano pa ang panggagatong na sinasabi.


Pinabulaanan naman ni Ai Ai sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz ang naglabasang isyu na battered girlfriend siya.


“Ang Ang sa akin, ngayon, sinasabi ko sa lahat na gagawa ako ng paraan para maging maganda ang relasyon namin ni Jed. Aayusin naming lahat ito at para mabura ang anumang masamang pagkakilala ng ibang tao kay Jed. I want this relationship to be forever,“ lahad pa ng comedy queen.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/ai-ai-di-battered-girlfriend/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment