Tumaas ang bilang ng deportees mula sa Malaysia matapos sumiklab ang tensiyon sa tropang Malaysian at sa Royal Security Forces ng sultanato ng Sulu dahil sa pag-aagawan sa isla ng Sabah.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Soliman, mahigit 300 na ang deportee mula sa dating 150.
Naniniwala ang kalihim na kabilang sa mga dumarating ang kusang sumailalim sa voluntary deportation dahil sa takot na maipit, bunsod ng paghihigpit ng Malaysian authorities sa mga undocumented alien o worker sa kanilang bansa.
Pinag-ibayo pa ng DSWD ang humanitarian mission nito sa TawiTawi at Zamboanga para sa mga pamilya na iniwan ng kanilang mga kaanak o magulang na nasa Sabah, Malaysia.
Sinabi ng kalihim na mula pa noong Biyernes ay kumikilos na ang mga social worker ng DSWD upang mag-abot ng tulong sa mga pamilyang naiwan ng mga Royal army ng sultanato sa Mindanao. – Rommel P. Tabbad
Related Posts:
- Karagdagang volunteer, kailangan ng DSWD
- Humanitarian mission sa Lahad Datu
- P9M na cash-for-work, inilaan para sa Zamboanga Sibugay
- Kabahayang nawasak ng lindol, ipagagawa
- Negotiations going nowhere – Malaysian PM
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/pinoy-deportees-mula-malaysia-dumarami/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment