ANTI-SOCIAL at snobbish ang baguhang batang artista kaya hindi siya nakikigrupo o nakikipagusap sa mga kaklase niya sa isang sikat na eskuwelahan.
Kuwento sa amin ng aming pamangkin, palagi niyang nakikita ang baguhang batang artista sa student lounge at maging sa kilalang restaurant na tinatambayan din ng mga kapwa nila estudyante. Parati raw nag-iisa ang nasabing bagets at laging may nakasaksak na earphone sa tenga para kunwari ay wala siyang naririnig na usapan.
“Tinatawag siya ng mga kaklase niya pero umaayaw siya `tapos po hindi siya namamansin o kaya aalis na lang siya. Masyado po siyang serious,“ kuwento ng aming pamangkin.
Inisip namin na baka sadyang umiiwas ang baguhang batang artista para siguro hindi siya natatanong lalo na tungkol sa pamilya niya. Hiwalay ang magulang niya, may ibang pamilya na ang ama at ang ina naman ay may ibang karelasyon, at may bago siyang kapatid.
Anim na magkakapatid ang baguhang batang artista sa tatlong nakarelasyon ng ina at pangalawa siya sa panganay.
Base sa obserbasyon namin ay matalino ang baguhang batang artista dahil mahusay siyang sumagot sa mga tanong sa kanya ng entertainment press nang ipakilala siya. `Yun nga lang, nang tanungin na siya tungkol sa magulang niya ay kaagad niyang sinabing wala siyang alam at hindi siya privy sa mga pangyayari.
Sana lang makatulong ang showbiz sa baguhang batang artista na matuto siyang makihalubilo sa kapwa dahil hindi makakatulong ang kinahihiligan niyang pag-iisa. – Reggee Bonoan
Related Posts:
- Baguhang aktor, inisnab ng reporters
- Kilalang aktres, ayaw nang makatrabaho
- Dating sikat, nagpapahanap ng mauutangan
- TV host, ‘di totoong mabait
- Nanay ng child star, palautos at mataray sa personal…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/baguhang-batang-artista-anti-social/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment