Friday, March 1, 2013

Ano ang nagustuhan nina Daniel at Kathryn sa isa’t isa?

Ni Reggee Bonoan


Daniel Padilla & Kathryn Bernardo MABUTI naman at hindi gumagaya sa santambak na youngstars na ubod ng sinungaling sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Tahasan nilang inamin ang kanilang relasyon sa presscon ng pelikulang Must Be… Love na pinamahalaan ni Direk Dado Lumibao para sa Star Cinema.



“Parang M.U. (mutual understanding) na po kami ni Kathryn,” may kaba pero natawang sabi ni Daniel.


“Kagaya po ng sinabi ni DJ, parang mas maganda kung hindi muna natin minamadali,” sabi naman ni Kathryn. “At nagkakaintindihan po kami at alam namin ang priorities namin. Kasi ang dami pang kailangang gawin, ang dami pang kailangang ipunin sa mga gusto namin in the future, so darating naman tayo diyan, tumatanda na naman tayo, ‘di ba?”


Napag-usapan kasi kung bakit hindi nila magawang umamin sa tunay na estado ng kanilang relasyon gayong marami naman ang nakakapansin sa sobrang sweetness nila off-camera.


Sabi nga ng entertainment press, hindi samahang magkaibigan lang ang nakikita sa kanila. Kung botong-boto sa kanila ang napakaraming fans, sino naman ang nagbabawal na aminin nila ang totoo?


“Sana kasi lahat ng tao fans, ‘di ba?” sabi ni Daniel. “Eh, may mga taong hindi muna puwede. Eh, maski naman mga hindi artista pinagbabawalan muna ng ibang tao, eh, di mas lalo na kaming mga artista, talagang marami pa kasing gagawin. Hindi pa namin puwedeng ilagay ang sarili namin sa ganu’n bagay.”


Ano ang nagustuhan ni Kathryn kay Daniel?


“Sobrang maalaga kasi si DJ, as in, ‘pag sa shooting, mararamdaman mo na special ka at hindi ka babastusin ng ibang tao. So para sa akin, very flattering ‘yun kasi konti na lang ‘yung boys na gentleman. Eh, ako talaga ang look ko sa lalaki, ‘yung gentleman, ‘tapos pati kay Mama, mabait. So lahat ng qualities na gusto ko, na’ kay DJ. At saka astig, hindi mo makikitang pa-cute, ‘yung ganyan. ‘Pag hinalo mo siya sa ibang boys stand out talaga si DJ.”


Ang gusto naman ni Daniel kay Kathryn?


“Talagang kumpleto po ‘pag kasama ko si Kathryn at masaya po ako, ‘yun naman talaga ang hinahanap ko na masaya ka sa kasama mo, siyempre kasi makakasama mo sa matagal na panahon .


“Simpleng-simple lang kasi si Kathryn, basta charming po kasi siya. ‘Di ba, totoo?” sabay lingon sa kanyang lady love.


Samantala, ipinagmamalaki ni Daniel na hindi na babaero ngayon ang mga Padilla, nagbago na raw, kaya tiniyak niya na hindi niya lolokohin o iiwan si Kathryn.


“Kasi maraming tao ang na-stuck sa isyung babaero ang mga Padilla, eh, lumilipas naman po talaga ang panahon. At nagkataon lang na ang mga palabas ay pinalalabas na babaero ang Padilla, kaya na-stuck ang mga tao, pero hindi na po talaga. Nagbago na po talaga, seryoso na po… ang Tito Robin ko, ang papa (Rommel) ko, so ganu’n po,” depensa ni Daniel.


Walang duda na nasa peak ng kanilang career ngayon sina Daniel at Kathryn. Katunayan ang pagdumog ng napakaraming tao sa lahat ng lugar na pinuntahan nila.


Aminado maging ang ABS-CBN na isa ang Kathniel loveteam sa money-makers ng network. Kaliwa’t kanan din ang kanilang product endorsements tulad ng KFC, Whispers at ang Technomarine Yot (Your Own Time) para kay DJ at si Kathryn naman Whisper, Rejoice, Olay soap at Bench na nagtulung-tulong kaya nagkaroon sila ng launching movie.


Nalaman namin na ni-review na ng ABS-CBN management ang Must Be… Love na sobrang nagandahan daw lahat, at super kilig ang movie. Mapapanood na ito simula sa Marso 13.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/ano-ang-nagustuhan-nina-daniel-at-kathryn-sa-isat-isa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment