Friday, March 1, 2013

Marquez, tinaningan ni Bob Arum

Nakipagpulong na kay Top Rank big boss Bob Arum si Mexican Juan Manuel Marquez at tinaningan ito ng hanggang Abril para magpasya kung haharapin sa ikalimang pagkakataon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Nagharap noong Martes sa Mexico City sina Arum at Marquez kung saan ay may ulat na humihingi ang Mexican boxer ng $20 milyon para sa laban kay Pacquiao.



Ilang beses nang ipinahayag ni Marquez na hindi na lalabanan si Pacquiao dahil napatulog na niya ang Pilipino kaya tapos na ang kanilang duwelo ngunit gusto pa ng boxing fans na magkaroon ng Pacquiao-Marquez 5.


Pinagreretiro na si Marquez ng kanyang pamilya pero may mga ulat na nagpapataas lamang siya ng presyo dahil sa Pacquiao bout lamang siya makakakuha ng malaking premyo.


“I think the fifth fight with Pacquiao is pointless. I think the book was closed on the rivalry between me and Manny on the 8th of December,” sinabi ni Marquez sa BoxingScene.com. “We are now contemplating other fights, other opponents……Brandon Rios, for example.”


May rekord si Marquez na 55-6-1 (win-loss-draw) na may 40 panalo sa knockouts samantalang si Pacquiao na gustong lumaban sa Abril ay may kartadang 54-5-2 (win-loss-draw) na may 38 pagwawagi sa knockouts. – Gilbert Espeña





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/marquez-tinaningan-ni-bob-arum/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment