Ang ginawang pag-agaw at “pagpapalaya” ng isang grupo ng mga armado sa tatlong drug dealer na sina Lin Lan Yan, alias Jackson Dy, sa asawa nitong si Wang Li Na Tian Hu ay isang pagpapatunay kung papaanong ginagawang tila “kakaning-itik” ng mga dayuhan at ng masasamang-loob ang ating hustisya. Ipinakita ng isang grupo ng masasamang-loob na ito kung gaano nila kadaling napaglaruan ang ating batas at ang mga pulis na nagpapatupad ng nasabing batas. Sa sinasabing halagang 140,000.00 ay “minani” lamang halos ng mga “rescuer” na ito ang pag-agaw sa tatlong dayuhang negosyante ng droga.
Maluwag ang ating batas na kasinluwag din naman ng mga nag-papatupad nito. Napakabait ng ating hustisya kaya “pinagtatawanan” lamang maging ng mga dayuhang kriminal.
Sa ibang bansa, ang pagpapatupad sa illegal na droga ay napakahigpit. Hindi ba’t napakarami na nating kababayan ang naputulan ng ulo sa Gitnang Silangan dahil sa droga? At sa China, hindi na rin mabilang ang mga kababayan natin nangabitay dahil lamang sa napagbintangang pagdadala nito. Sa Pinas ba ay mayroon na tayong “nakurot” man lang?
Sa ating bansa, ang isang dayuhang nahuling nagkasala ay napakadaling makatakas o makapuga. Buhat sa kinakukulungan ay para lamang silang “namamasyal sa liwanag ng buwan” sa pagtakas. Bakit? Dahil sa korapsiyon at sinasabing pagtanggap ng salapi ng mga kinauukulan.
Bakit hindi natin baguhin o pabutihin ang ating justice system at pabilisin ang takbo ng ating mga paglilitis. Bakit hindi natin ibalik na muli ang parusang bitay? At bakit hindi natin masugpo ang santambak na grupo ng kriminal na ang hanapbuhay ay ang maghasik ng karahasan at hiyain ang ating gobyerno sa mata ng mga dayuhang bansa? Bakit ang inuuna natin ay ang pulitika at ang pagpapalawak sa mga “political dynasty” at hindi ang pagpaptupad sa paglikha ng mga batas na magliligtas sa ating mga mamamayan sa kamay ng mga buhong na may mga pusong salarin? Iyan ang dapat na unahin ng ating mga opisyal ng gobyerno at simbahan at hindi ang walang mga kuwentang iringan.
Related Posts:
- NATATANGING KONGRESISTA
- PAGKAMAKABAYAN
- PINOY, KAILAN KA BA GIGISING?
- Obispo, pabor sa Cha-cha
- SAYANG
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/batas-na-kasinluwag-ng-nagpapatupad/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment