Monday, March 11, 2013

Pulis, gulpi-sarado sa presinto

Ni Fer Taboy


Magsilbing aral sana sa lahat ng pulis upang hindi magaya sa isa nilang kasama na pinaggugulpi ng dalawang sibilyan matapos mainis sa Bagal magblotter sa loob ng isang himpilan ng pulisya sa Cagayan de Oro City, iniulat kahapon.



Inaresto at sinampahan ng kaso ang dalawang nagrereklamong sibilyan na nang gulpi sa pulis dahil sa mabagal nitong pagblotter sa kaso.


Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Agora Detention Center ang mga suspek na sina Ricky Jagape, 27, at Loloy Dumper, kapwa residente sa Mambato, Agora Lapasan, ng Cagayan de Oro City sa ginawang panggugulpi kay desk officer PO1 Alfred Kent Santos.


Sinabi sa ulat nagalit umano ang dalawang suspek matapos hindi agad sila na-entertain ni Santos ng Agora detention cell kaugnay sa inihahain na reklamo.


Nag-iisa lang noon ang biktima kaya nagawa ng mga suspek na gulpihin. Mabuti na lamang dumating ang mga kasama ni Santos at dito naaresto ang mga suspek.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/pulis-gulpi-sarado-sa-presinto/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment