Monday, March 25, 2013

‘Bikini contest, nagpapababa ng moralidad’

Mahigpit ang pagtutol ng ilang opisyal ng Simbahang Katoliko sa mga bikini contest na karaniwang idinadaos sa mga beach tuwing summer.


Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, hindi maganda ang epekto ng mga nasabing patimpalak dahil isinusulong lang nito ang pagnanasa sa pagrampa sa publiko ng mga lalaki at babae na suot ang kani-kanilang“skimpy swimwear.”



Bukod dito, pinapababa rin umano ng mga naturang paligsahan ang moralidad.


“It lowers the morality so we are against anything that lowers the morality and all of its manifestations,” anang arsobispo.


Samantala, sinabi naman ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY), na bukas siya sa ideya ngunit dapat na malinaw ang intensiyon sa pagdaraos ng mga katulad na paligsahan.


“Activities similar to this, while tolerated, should and must be conducted with a pure intention of affirming not only physical beauty but also that of clarity of values. This should not promote exploitation of women but celebrate possessing beauty and the responsibility attached to it,” paliwanag ni Garganta.


Dapat din, aniya, na maunawaan ng mga lumalahok sa mga bikini contest na ang pagkakaroon ng magandang mukha at katawan ay may kaakibat na responsibilidad. – Mary Ann Santiago





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/bikini-contest-nagpapababa-ng-moralidad/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment