Monday, March 25, 2013

MASIDHING PANGANGAILANGAN

NAGBABASA ako sa sala ng nobela sa Balita isang umuulan na umaga nang mapukaw ang aking atensiyon sa kaguluhan sa labas ng aking tahanan. Tinatawag ng aking kapitbahay ang kanyang paslit na anak na nakikipagtampisaw sa mga kaibigan nito sa kalsada. Gayong hindi pa gaanong nababasa ang paslit, pinipilit ng ina nito na papasukin sa kanilang bahay.



“Makipaglaro ka na lang sa kapatid mo,“ sabi ng ina. Naku, sumimangot ang paslit at padabog na pumasok sa kanilang bahay. At narinig ko pa sa ina ng bata, “Sisipunin ka. Bakit ayaw mong makipaglaro sa kapatid mo?“


Maiintindihan naman kung bakit ayaw makipaglaro ng bata sa kapatid ­ mas bata pa ang kapatid niya. Hayun ang paslit, nakasimangot na nakadungaw sa bintana, pinanonood ang mga kalarong nagtatampisaw sa namumuong baha sa labas ng kanilang tahanan.


Naalala ko tuloy ang isang kuwento sa Mabuting Aklat. Maihahambing ang pagkabigo na naramdaman ng paslit kay Hannah na hindi magkaanak nang tanungin ito ng kanyang mister, “Hindi ba ako mas higit kaysa sampung anak?“ Hindi nauunawaan ng mister ang masidhing pangangailangan ni Hannah na magkaanak. At iyon ang dahilan ng pagkabagot ni Hannah sa buhay.


Tulad ng paghahagad ng paslit na makilaro sa ulan, ang masidhing pangangailangan ni Hannah ay ang matamo ang pahintulot ng Diyos. Sa kanilang kultura, ang babaeng hindi magkaanak ay hindi kinalulugdan ng Diyos sapagkat inakala niya na pinagkakaitan siya ng Panginoon. Kalaunan, dininig ng Diyos ang kanyang mga panalangin.


May matututuhan tayo kay Hannah. Mahalaga ang pakikipagugnayan sa kapwa ngunit ang masidhi nating pangangailangan ay ang alamin kung natatamo natin ang pahintulot ng Diyos. Ang Diyos lamang ang makatutugon sa ating masidhing pangangailangan.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/masidhing-pangangailangan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment