Ni Leslie Ann G. Aquino/Manila Bulletin
Nasaksihan ng publiko nang siya ay lumuha ng ilang beses nitong mga nakaraang panahon, subalit para sa isang dating kaklase, si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay isang “bungisngis” sa kanilang grupo.
“We call him ‘bungisngis’ because when he laughs, he really laughs. He has that funny mode. It doesn’t take much for Chito to laugh,” sinabi ni ‘Running Priest’ Fr. Robert Reyes, dating kaklase ni Cardinal Tagle sa San Jose Seminary.
“That’s why I said the saving grace of Chito whether he becomes pope or not will be his sense of humor,” dagdag ni Reyes.
Iginiit ni Reyes na kung nasaksihan man ng publiko ang pagluha ni Tagle ng ilang beses, hindi naman dapat, aniya, itong ituring na pagpapakita ng kanyang kahinaan bagkus isang senyales ng kanyang katapangan.
“The one who can laugh can also cry– for a man not to be afraid to show his tears it takes courage. It takes a particular courage to show tears to others,” sinabi ni Fr. Reyes.
Si Cardinal Tagle, ani Fr. Reyes, ay isang straight A student na palaging tumutulong sa kanyang kaklase na nahihirapan sa kanilang leksiyon.
“He was very generous with whatever talent he has especially since he excelled in all our subjects. Those who are having difficulty in the academics especially in Math or Philosophy would always ask him to tutor them,” kuwento ni Reyes.
“They were lining up to him for review so he cannot review anymore yet he was always number one in class. Sometimes we would joke around and ask ourselves maybe he has “amulet” or “charm”,” dagdag ni Reyes.
Kung mayroon pang maaaring ipakitang gilas si Cardinal Tagle, sinabi ni Reyes na ito ay sa larangan ng sports at musika.
Sa kabila ng kanyang mga talento, walang okasyon na naging mayabang si Cardinal Tagle.
Sa pagiging makumbaba, sinabi ni Reyes na ito ang katauhan ni Cardinal Tagle na mahalaga kung siya ay mapipiling susunod na papa.
“Humility is very important in terms of the papacy because of what’s happening to the Church now such as the scandals involving priests. I think rather than being arrogant we are being called to humble ourselves and beg for forgiveness and renewal. Chito, whether pope or cardinal, is in a very good position because I think he can move people, sinner and saints, to come together for the good of the Church,” paliwanag ng Running Priest.
Related Posts:
- Archbishop Tagle, idedeklarang Cardinal ngayon
- CARDINAL TAGLE
- Cardinal Tagle, tikom sa papacy
- Cardinal Tagle, itinalaga ng Papa sa dalawang konseho sa…
- Tagle, pasok sa Top 10
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/14/cardinal-tagle-humble-masayahin-matulungin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment