Maituturing na tune-up race ang gaganapin na 2013 Philracom Chairman’s Cup sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong Sabado para sa nalalapit na 1st Leg Triple Crown Championship.
Kinumpirma kahapon ng Philippine Racing Commission (Philracom) na may 14 na mananakbong 3-year-old local horses bilang official entries sa kanilang pakarera para sa 2013 Philracom Chairman’s Cup.
Pangungunahan umano ng dalawang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur“ Abalos Jr. na bilang couple entry ang Cat’s Silver at El Libertador, Alta’s Finest, Appointment, Be Humble, Captain Ball, Don Vito, at pitong iba pa.
Ang mga nabanggit na mananakbo ay kabilang sa 15 nagpatala para sa 1,600 meters na karera na may kabuuang papremyong P2 milyon.
Aabot sa P1.2 milyon ang naghihintay na papremyo sa tatanghaling kampeon habang P450,000 sa 2nd placer, P250,000 sa 3rd placer at P100,000 sa 4th placer.
Sinasabing magsisilbing tune-up race sa mga kalahok ang Chairman’s Cup na dedetermina sa magiging susunod na kampeon sa 1st Leg Triple Crown.
Ang Chairman’s Cup ay taun-taon na ginagawa ng Phiracom matapos ang naunang pakarera na Philracom Commissioner’s Cup.
Related Posts:
- Chairman’s Cup, tune-up race para sa Triple Crown…
- Chairman’s at Commissioner’s Cup, inaabangan!
- P3.2M sa Philracom Racing Festival
- Hagdang Bato, angat sa laban
- 2012 Philracom Chairman’s Cup ngayon
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/14/chairmans-cup-sa-sabado-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment