Friday, March 1, 2013

Commissioner’s Cup: Hagdang Bato, hahataw

Muling matutunghayan ng “Bayang Karerista” ang hinahangaang Hagdang Bato sa pag-arangkada ng Commissioner’s Cup sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI), ang namamahala sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.



Yes mga ‘igan, muli po ninyong mamamalas ang alaga ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. sa darating na Marso 9.


Kabilang sa mga kalahok ang couple entry nito na Barley, Tensile Strength, Golden Empire at Rigthhererightnow kung saan ay tatawid ang mga ito sa distansiyang 1,800 meters.


Inaasahan ng mga karerista na muling pasasayahin ng Hagdang Bato ang mga tagahanga na huling tumakbo sa Freedom Cup na pinagwagian rin nito.


May kabuuang P1.2 milyong premyo ang nakalaan sa naturang pakarera ng Philippine Racing Commision (Philracom) na taun-taon ding ginaganap.


Tumataginting na P720,000 ang matatanggap ng tatanghaling kampeon, habang P270,000 sa 2nd, P150,000 sa 3rd samantalang P60,000 sa 4th.


Gaganapin naman sa Marso 16 sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang Chairman’s Cup na lalahukan ng 3-Year-Old local runners kung saan ay tatawid naman ang mga ito sa 1,600 meters.


Ang mga kalahok ay kabibilangan ng mga Triple Crown contender sa taon na ito at inaasahang panibagong kampeon ang isisilang.


Inaasahan din na mag-aakyat ng malaking benta sa takilya ang dalawang nakatakdang pakarera ng komisyon.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/commissioners-cup-hagdang-bato-hahataw/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment