Friday, March 1, 2013

380 nagka-HIV noong Enero

Laging magdala ng condom dahil hindi mo alam kung kailan ito kakailanganin.


Ito ang binigyang diin kahapon ng isang opisyal ng Department of Health (DoH), iginiit na mahalaga ang paggamit ng condom upang maiwasan ang pagkahawa sa HIV, makaraang maitala ng kagawaran ang pinakamaraming nahawahan ng virus sa loob ng isang buwan: may 380 bagong kaso ng HIV noong Enero.



“Hindi na ho nakakahiya sa DoH na sabihan po kayo na kung hindi po kayo makakapag-abstain o ‘di kayo makaka-maintain ng relasyon sa loob ng marriage institution o kaya naman ay hindi kayo magiging mutually faithful, gumamit na ho kayo ng condom para mailigtas ang buhay ninyo,” sinabi ni DoH Undersecretary Eric Tayag sa isang panayam.


Iniulat ng National Epidemiology Center (NEC) na may kabuuang 101 kaso ng HIV sa mga edad 15-24 , habang karamihan sa mga kaso ay naitala sa edad 20-29.


Ayon sa report, umabot na sa 12,082 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng HIV mula 1984 hanggang 2013 at ang kabuuang dami ng naitalang kaso ng AIDS ay umabot sa 1,194.


Nasa 353 naman ang nasawi sa AIDS mula 1984 hanggang 2013, 376 ang nahawa sa pakikipagtalik at apat sa pamamagitan ng needle sharing ng mga gumagamit ng ilegal na droga. Tatlumpu’t pito sa 380 bagong kaso ay mga overseas Filipino worker.


“Huwag ho kayo maniwala sa mga naninira na may maliliit na butas daw ang condom at hindi raw kayo magkakaroon ng benepisyo dito. Ang benepisyo ho sa condom ay kung gagamitin siya (ito) nang tama at parati at kung iyong condom na iyon ay parating dala po ninyo,” apela ni Tayag. – Jenny Manongdo /Manila Bulletin





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/380-nagka-hiv-noong-enero/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment