Marami ang nagalak sa isinagawang libreng pagtuturo sa iba’t ibang disiplina sa isports na Dance Sports sa patuloy na nagiging popular na programa ng Philippine Sports Commission na Laro’t-Saya (Play and Learn) sa bakanteng Burnham Green sa Luneta Park noong Linggo.
Naghalu-halo ang mga kabataan at matatanda sa pag-aaral ng mga uri ng sayaw na boluntaryong itinuro ng Team Pasay, sa pamumuno ni Wilfredo Rodriguez Jr., kasama ang mga kabataang atleta na matiyagang nagturong sayaw na Latin, Cha-Cha, Rumba, Waltz at iba pang disiplina.
Nakasama ni Rodriguez sa pagtuturo ang POC-PSC National Games Youth gold medalist sa Latin dance na si Zolinda Rodriguez, gayundin ang mga gold medalist sa Dance Sports Council of the Philippines (DSCP) ranking tournament na sina Aljon at Angelica Mazo, Angelica Zulueta at Angelica Gabriel.
Kasama din nagturo sina John Alexander Tarronia, Emilio Carbo, Albin Rodriguez at Bong Sebastian.
Una nang idinagdag ng nag-oorganisang PSC ang volleyball dahil sa dami ng bilang na humihiling na ituro kasabay ang orihinal na napiling isport na arnis, chess, aerobics, football, frisbee, kite flying, karatedo at taekwondo.
Hangad din ng PSC na isama ang rugby football bagamat hindi pa nakakausap ang pamunuan ng Rugby Football Union of the Philippines para maituro ang disiplina kung saan kinikilala ang Philippine Volcanoes. – Angie Oredo
Related Posts:
- Dance Sports sa Laro’t-Saya
- Laro’t Saya: rugby football, idadagdag
- Volleyball, hit sa Laro’t Saya
- PSC Laro’t Saya, mabilis lumalawak
- Laro’t Saya sa Luneta, isasagawa
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/26/dance-sports-naging-big-hit-sa-larot-saya-ng-psc/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment