Tuesday, March 26, 2013

SA LIRIKO NG ISANG AWIT

Umuwi ang aking dalagita na si Lorraine mula sa kanyang rehearsal sa choir. Miyembro kasi siya ng koro ng simbahang malapit sa aming tahanan. Humingi siya ng pahintulot na kung maaaring sa bahay namin mag-practice ang kanyang choir sapagkat sasabay sa schedule nila ang isang kasalan. Siyempre pumayag ako at sinagot ko pa ang meriyenda nila.



Nang mangagtipon na ang lahat ng miyembro ng choir sa aking sala, sinimulan na ng choirmaster ang pagtuturo ng awiting “People Need the Lord” (titik ni Greg Nelson, 1983). Habang nasa kusina ako at naghahanda ng kanilang meryenda, pinakinggan ko ang kanilang inaawit. Paghantong nila sa “When will we realize, people need the Lord?” totoong nanindig ang aking malilinggit na balahibo sa braso. Narito ang bahagi ng liriko ng naturang awit: Everyday they pass me by,

I can see it in their eyes. Empty people filled with care, Headed who knows where. On they go through private pain, Living fear to fear. Laughter hides their silent cries, Only Jesus hears. People need the Lord, people need the Lord. At the end of broken dreams, He’s the open door. People need the Lord, people need the Lord.


When will we realize, people need the Lord?


Ipinaaalala ng awiting iyon na dapat malaman ng lahat ng nakapaligid sa atin na kailangan natin si Jesus at manampalataya sa Kanya. Kailangang malaman ng mga “naliligaw ng landas” at yaong “nakalublob sa kasalanan” ang tungkol sa Salita ng Diyos at ang Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Jesus – ang tagumpay ng pananampalatayang Kristiyano.


Marami nga tayong dapat alamin at magkamal ng karunungan, ngunit ang susi ng karunungan ay ang kilalanin ang Panginoon. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan ng mga tao ang Panginoon. Tandaan, ang mensahe ay si Jesus.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/26/sa-liriko-ng-isang-awit/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment