Friday, March 1, 2013

DLSU, ADMU, magtatapat sa titulo

Determinasyon kontra karanasan.


Ganito ang magiging pangunahing punto ng magiging duwelo sa pagitan ng defending champion De La Salle University at karibal na Ateneo de Manila sa pagsisimula ng kampeonato ng women’s division ng UAAP Season 75 volleyball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.



Bagamat aminadong dehado pagdating sa “height” at sa karanasan, matibay ang paniniwala ni Lady Eagles coach Roger Gorayeb na ang puso at determinasyon ng kanyang mga player ang magsisilbing sandigan nila tungo sa ikalawang finals meeting nila ng Lady Archers.


“Alam naman nating lahat, at kitang-kita naman talagang dehado kami sa height, but since nandito na kami at talagang ginusto naming makabalik ulit sa finals, we will give it our best shot,” pahayag ni Gorayeb.


Sa kabilang dako, matapos mangibabaw sa nakaraang dalawang season, angat naman ang Lady Archers pagdating sa karanasan, bukod pa sa kanilang dalawang beses na pananaig sa Lady Eagles sa una nilang head-to-head sa double round eliminations.


Gayunman, sinabi ni coach Ramil de Jesus na ang lahat ng laro ay pinaghahandaan nila nang husto dahil nais nilang masiguro ang panalo.


Kaya naman sa finals na ito, sa kabila ng sinasabing pagiging liyamado, hindi nila basta na lamang sasabak kontra sa Ateneo.


“Tuwing practice, talagang naghahanda kami nang husto, and every game we see to it na mai-0execute namin ng maayos lahat ng pinaghandaan naming sa ensayo,” pahayag ni De Jesus.


Gaya ng dati, muling sasandigan ng Lady Archers ang kanilang ipinagmamalaking net defense kung saan sila ang nangungunang koponan pagdating sa blocking. Inaasahang mamumuno sa kanila sina reigning MVP Abigail Marano, Mika Reyes, Ara Galang at Michelle Gumabao.


Sa panig naman ng Lady Eagles, sisikapin naman nilang mapunan at lalo pang maging epektibo ang pambato nilang floor defense bilang suporta sa kanilang mga pangunahing hitters na sina Alyssa Valdez, Gzi Gernacio at Fille Cainglet.


Samantala, una rito, magtatangka naman ang season host National University na maagaw ang men’s title laban sa defending champion Far Eastern University na naghahangad ng kanilang ikatlong dikit na kampeonato. – Marivic Awitan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/dlsu-admu-magtatapat-sa-titulo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment