Sa temang “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan”, pinangungunahan ng Philippine Commission on Women (PCW) ang selebrasyon ng National Women’s Month (NWM) ngayong Marso. Ang tema, na sumusuporta sa pananaw ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng “Tuwid na Daan” ay alinsunod din sa Magna Carta for Women o ang Republic Act (RA) 9710. Binibigyang diin nito ang pangangailangang bigyan ng kapangyarihan ang kababaihan sa pamamahala.
Ang selebrasyon ng NWM ay alinsunod sa Proclamation No. 224 s. 1988 na nagdedeklara sa unang linggo ng Marso ng bawat taon bilang Women’s Week at Marso 8 bilang Women’s rights and International Peace Day. Ang Proclamation No. 227 s. 1988 naman ay nagbibigay-daan sa pagdaraos sa Marso bilang Women’s Role in History Month; at RA 6949 s. 1990 na nagdedeklara sa Marso 8 ng bawat taon bilang National Women’s Day.
Iba’t ibang aktibidad ang nakalaan para sa pagdaraos ng NWM 2013. Mayroong media launch ng Gender Equality Committee for Media policy development sa Marso 8, 2013, sa pakikipagtulungan ng Presidential Communications Operations Office. Magdaraos din ng Gender and Development Focal Point Assembly sa Marso 13-14, 2013 upang tipunin ang mga miyembro nito mula sa iba’t ibang ahensiya at mga pamahalaang lokal upang pag-aralan kung paano nakaaapekto ang gender mainstreaming sa buhay ng kababaihan at kalalakihan. Pararangalan ang mga babaeng leader sa gobyerno sa isang programang “Pagpupugay sa Kababaihang Namumuno sa Pagtahak sa Tuwid na Daan” sa Marso 22, 2013. Upang lumikha ng isang network ng may kapangyarihang kabataang babae na kayang panatilihin ang mga pinagsikapan ng Pilipinas sa pagtugon sa mga isyu hinggkil sa kababaihan, pinaplano na magdaraos ng Young Women Leaders’ Forum.
Binabati natin ang Philippine Commission on Women sa pangunguna ni Chairperson Remedios Ignacio-Rikken, Executive Director Emmeline L. Verzosa, at Deputy Executive Director for Operations Manuela M. Silva, iba pang opisyal at miyembro at lahat ng Pilipina sa okasyon ng National Women’s Month ngayong taon. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!
Related Posts:
- NATIONAL WOMEN’S MONTH ATING IPINAGDIRIWANG
- Marso 8, araw ng kababaihan
- Marso 8, National Women’s Day
- AFP nakiisa sa kampanya para wakasan ang karahasan vs…
- NOBYEMBRE, NATIONAL RICE AWARENESS MONTH
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/the-2013-national-women%e2%80%99s-month/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment