Friday, March 29, 2013

Elasto Painters, gigil sa panalo

Makasalo ang Alaska sa liderato na magpapalakas sa tsansa nilang maka-usad para sa ikatlong sunod na semifinals appearance ang hangad ng Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang pagtatagpo ng rumaratsadang Air21 Express ngayong Linggo ng Pagkabuhay sa pagpapatuloy ng PBA Commissioners Cup sa MOA Arena sa Pasay City.



Naiiwan lamang ng isang panalo ang Elasto Painters sa namumunong Aces na may barahang 8-3 (panalotalo).


Sa kabilang dako, tatangkain namang maiposte ng Express ang ikaapat na sunod na panalo na magaangat sa kanila at maghihiwalay buhat sa kinalalagyang 5-way tie sa ikaapat na puwesto, na hawak ang patas na barahang 5-5, kasama ng Meralco, Talk `N Text, San Mig Coffee at Barangay Ginebra San Miguel.


Matapos ang ikalimang kabiguang nalasap noong nakaraang Marso 6 sa kamay ng Meralco Bolts, 88-89, rumolyo sa tatlong dikit na panalo ang tropa ni coach Franz Pumaren sa pangunguna ng kanilang pangunahing playmaker na si Mike Cortez, kabalikat ang mahusay nilang import na si Michael Dunigan.


Sanhi nito, lumakas pa ang kanilang tsansa para sa No. 3 at No. 4 spot na may kaakibat na twice-to-beat advantage sa quarterfinal round.


Sa panig naman ng Elasto Painters, makaraang mabigo sa kanilang nakaraang road game sa Panbo, Davao del Norte, bumalikwas ang mga ito at nagtala ng dalawang sunod na malaking panalo kontra sa Barako Bull, 103-93 at Talk `N Text, 116-85.


Para kay coach Yeng Guiao, upang makatiyak ng outright semifinals berth, kailangan nilang maipanalo ang kahit tatlo sa nalalabing apat nilang laro.


“I think the magic number is still 10 (wins).We have four games left so we have to win at least three,“ pahayag ni Guiao.


“This (win) gets us closer there, but magkakalapit din, hindi naman malayo ang (6-3) Petron (Blaze).

We’re just focused on our next games.“


Samantala, sa tampok na laro, magsisikap ding makaangat mula sa kinalalagyang pagkakabuhol sa ikaapat na posisyon ang defending champion San Mig Coffee Mixers sa pagsagupa sa Barako Bull na hangad namang buhayin ang sisinghapsinghap na pag-asang makahabol sa playoff round.


Hawak ang barahang 3-7, kailangan ng Energy Cola na maipanalo ang lahat ng nalalabing apat na laro at umasang isa sa Air21, Ginebra, Talk `N Text at Meralco ang hindi umabot ng pitong panalo.


Para naman sa Mixers, tatangkain nilang makapagposte ng mas kumbinsidong panalo kasunod ng naging kontrobersiyal nilang 84-83 tagumpay kontra Aces upang mapalakas din ang tsansa para sa No. 3 at No. 4 spot. – Marivic Awitan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/elasto-painters-gigil-sa-panalo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment