Friday, March 29, 2013

Karylle at Matteo, tumakbo para sa 75 na DZMM scholar

IPINAGDIWANG ni Karylle ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng pakikiisa sa ikatlong taunang “DZMM Takbo Para sa Karunungan“ sa Quirino Grandstand, Maynila nitong Sabado (Marso 23) kasama sina Kuya Kim Atienza at Matteo Guidecelli at ang higit sa 3,000 lumahok sa fun run.



Ayon sa singer-actress, magandang pagkakataon na gawing mas espesyal ang kaarawan niya sa pagbabahagi ng mga biyaya.


“Masarap tulungan ang mga batang ito dahil kahit na nasalanta sila ng mga bagyo, makikita mo pa rin na pursigido silang mag-aral,“ pahayag ni Karylle tungkol sa 75 na iskolar ng DZMM na nasalanta ng bagyong Ondoy, Sendong at ng Habagat.


Sa isang programa naman pagkatapos ng fun run, nagbahagi ng tips ang “Takbo Para sa Karunungan“ ambassador at triathlete na si Kuya Kim kung paano manguna sa mga karera at marathon.


Samantala, tinupad naman ni Matteo ang kanyang pangako noong nakaraang taon na muli siyang lalahok sa fun run para maisulong ang edukasyon.


Kasama rin ang dating ABS-CBN Manila Radio Division head na si Peter Musngi, DZMM anchors na sina Ariel Ureta, Ahwel Paz, Winnie Cordero, Maresciel Yao, Atty. Claire Castro, at Carl Balita sa mga nakibahagi sa “DZMM Takbo Para sa Karunungan,“ na magbibigay pondo sa pag-aaral ng 75 na iskolar ng DZMM.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/karylle-at-matteo-tumakbo-para-sa-75-na-dzmm-scholar/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment