Friday, March 29, 2013

ER Ejercito, mainit ang laban

Laguna Gov. ER Ejercito

Ni Jimi Escala


HINDI pa man opisyal na nag-uumpisa ang campaign period para sa local positions ay sari-saring mga negatibong isyu na ang ibinabato kay Laguna Gov. ER Ejercito. Isa sa mga ibinibintang sa kanya ng mga kalaban niya ay pinaghihintay daw niya nang matagal ang mga tao na nagpupunta sa opisina niya sa kapitolyo ng probinsiya.



Marami kaming nakakausap na constituents ni Gov. ER na madalas nagpupunta sa kapitolyo na itinatanggi ang nasabing isyu. Pati ang isang kasamahan namin sa hanapbuhay na madalas bumisita sa kapitolyo ay nagsasabing inabot nga raw ng gabi si Gov. ER sa opisina niya.


Iniintriga rin ang pagiging sobrang late daw ni Gov. ER sa appointments niya.


“Imbento lang nila ang mga kuwento na ‘yan. Gusto lang nilang siraan si Gov. ER. Sa totoo lang, kahit itanong n’yo pa sa mga tauhan sa kapitolyo ,halos doon na nga siya nakatira, kaya nga ’24 Oras na Serbisyo’ ang kanyang slogan.


“Halos hindi na nga raw siya natutulog dahil sa rami ng mga tao na dumadalaw sa opisina niya para humingi ng tulong at magpa-picture na kasama siya,” sey pa ng tagapagtanggol ni Gov. ER.


Kung mainit ang labanan ni dating Pangulong Erap Estrada at ni Mayor Alfredo Lim ay sobrang init din ang sagupaan ngayon nina Gov. ER at ang kanyang katunggali na si Cong. Egay San Luis.


At least si Batangas Gov. Vilma Santos ay kampanteng-kampante at kahit hindi na mangampanya para sa sarili – ikinakampanya pa rin niya ang kanyang mga kapartido – siguradung-sigurado na siya pa rin ang uupong gobernador ng Batangas for her third and last term.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/er-ejercito-mainit-ang-laban/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment