Makabalik matapos na makarating mula pa noong 1974 World Volleyball Championships ang asam matupad ng binubuong dalawang grupo ng mga kandidato sa women’s national team.
Sinabi ni PVF Board member Virginia De Jesus na pakay ng dalawang binubuong koponan na makatuntong sa pinakamataas na torneo na naabot ng pambansang koponan sa World Championships habang pilit na patatatagin ang paglahok sa mga internasyunal na torneo na tulad sa SEA Games at Asian Games.
“It is also considered the Olympics of volleyball. It is also every four years pero puro volleyball lamang ang laban,” sinabi ni De Jesus.
Target ng koponan na maiangat muna ang kalidad at talento ng mga miyembro sa pagdalo sa ilang training camp sa Thailand, Japan at Korea kung saan lalahok din ito sa kasunod na mga torneo bilang paghahanda sa isasagawang POC-PSC National Games.
Idinagdag ni De Jesus na malaki ang tsansa ng Pilipinas na makatuntong muli sa World Volleyball Championships sa paglahok sa darating na Hunyo 10-16 na FIVB qualifying tournament kung saan ay makakasama ng bansa ang Myanmar, Cambodia at Indonesia.
Isa na lamang ang natitirang puwesto para sa rehiyon ng Asya matapos na una nang nakuwalipika ang China, Korea at Japan.
Huling tumuntong ang Pilipinas sa prestihiyosong torneo noong 1974 sa Mexico kung saan ay nagawang okupahan ang ika-18th puwesto mula sa kabuuang kalahok na 39 bansa na kinabibilangan ng kinikilalang powerhouse sa volleyball na Cuba, Russia at Brazil. – Angie Oredo
Related Posts:
- Tatz, nakatuon sa training camp
- 28 PH Women’s Team, ihahayag
- Volleyball team, target ang SEAG
- RP Women’s Volley Team, naimbitahang magsanay at…
- Volleyball try-out, ipagpatuloy- PSC
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/womens-volley-team-may-minamataan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment