Tuesday, March 19, 2013

Healing masses, dapat may pahintulot

Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Archdiocese of Manila ang mga Katoliko na ang lahat ng idaraos na healing mass o healing prayer session sa nasasakupan nito ay dapat na may pahintulot ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.



Ang paalala ay ginawa ni Chancellor Fr. Rufino Sescon Jr. sa inilabas nitong circular.


Nakasaad sa Circular No. 2013-07 na, alinsunod sa direktiba ni Tagle sa mga pari, superior ng mga religious community, pinuno ng mga paaralan, institusyon, transparochial charismatic community at mandated organization sa archdiocese, ang anumang healing activity o service, liturgical man ito o hindi, nag-iimbita o gumagamit sa pangalan ng Simbahang Katoliko, ay kinakailangang may pahintulot mula sa Local Ordinary sa ilalim ng Code of Canon Law.


Applicable umano ito kahit pa ang healing activity ay gagawin ng obispo, pari, relihiyoso o lay person.


Bago mag-organisa ng isang healing activity ay kailangan munang magpadala ng letter of request sa Arsobispo ng Maynila.


Dapat din umanong ang request at pahintulot ay ad casum o isang partikular na aktibidad sa isang partikular na oras o ad actum vel ad tempus, depende sa desisyon ng arsobispo.


Hindi naman saklaw sa nasabing direktiba ang mga pribadong administrasyon at parochial pastoral exercises ng sakramento ng anointing of the sick. – Mary Ann Santiago





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/healing-masses-dapat-may-pahintulot/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment