Walang pinipiling oras ang talamak na paggamit ng mga sasakyang may red plate o mga sasakyan ng gobyerno na for official use only. Walang pakundangan ang paggamit ng mga ito para sa mga pribadong okasyon sa kabila ng mahigpit na utos laban sa gayong uri ng pagsasamantala.
Nang nakalipas na administrasyon, hindi iilan ang kasong naisampa sa Office of the Ombudsman hinggil sa labag sa batas na paggamit ng red plate vehicles. Hindi maliwanag kung nakausad ang nabanggit na mga asunto.
Hanggang ngayon, ang ganitong uri ng mga sasakyan ay patagong ginagamit kung saan-saan, tulad sa pamamalengke, paghahatid ng mga anak sa paaralan, sa pagsisimba, sa mga restaurant, at maging sa pagtungo sa mga resort. Hindi malayo na ang mga ito ay ginagamit din sa pagpasok sa mga motel.
May karapatan ang mga tauhan ng gobyerno, lalo na ang mga opisyal, sa paggamit na naturang mga behikulo. Kailangan nila ang mga ito sa pagdalo sa makabuluhang mga pagpupulong bilang kinatawan ng kani-kanilang mga tanggapan. Totoo na may mga department heads na tumatanggi sa gayong pribilehiyo bilang pakikiiisa sa austerity campaign ng gobyerno. Hindi kaya iyon ay isang pagkukunwari o pagmamalinis lamang?
Sa anu’t anuman, marapat na sundin ng mga kinauukulan ang mga proceso sa paggamit ng red plate vehicles. Malaki rin ang gastos sa maintenance ng naturang mga sasakyan, tulad ng gasolina, suweldo ng driver at spare parts. Mahalaga ang pagkuha ng trip ticket upang matiyak ang kanilang destinasyon at ang layunin ng kanilang misyon.
Subalit sa kabila ng gayong paghihigpit, marami pa rin ang nagpapalusot; maraming paraan ng pagpatay ng pusa, wika nga.
Kailangan na ang totohanang pagsibak sa mga kasangkot sa gayong pagsasamantala upang hindi bumaluktot ang tuwid na landas na ipinangangalandakan ng administrasyon.
Related Posts:
- KABI-KABILA
- PAGSASAMANTALA
- LTO, may bagong car plates
- Batas laban sa carnapping, palalakasin
- Babala vs. vehicle commemorative plates
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/red-plate/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment