Mapanatili ang titulo ang tatargetin ng defending champion Jose Rizal University habang nagbabanta naman sa kanilang misyon ang event host College of St. Benilde at University of Perpetual Help sa pagpapatuloy ng 88th NCAA track and field championships sa Philsports track and football field sa Pasig City.
Sa unang dalawang araw, nagparamdam agad ang Heavy Bombers sa kanilang paghahangad na makamit ang ikatlong sunod na athletics title matapos na kubrahin ang 4 gold, 1 silver at 2 bronze medals.
Nagwagi ng gold medal sa JRU si Melbert Diones sa men’s long jump matapos talunin ang layong 6.92 meters. Tinalo nito ang dalawang Altas bet na sina Thom Jasper Claudio at Patrick Faderogao na nakatalon ng 6.65 at 6.63 meters, ayon sa pagkakasunod. Kumubra rin ng gold ang JRU bet na si Melvin Galano sa men’s javelin na nakapagtapon ng fiberglass spear sa layong 59.07 meters.
Bukod sa dalawa, nanalo rin ng gold medal para sa Mandaluyong-based trackters sina John Albert Mantua sa men’s discuss throw at ang kanilang 4×400 meter relay team.
Tinanghal namang “fastest man” ng trachfest si Daniel Noval ng St. Benilde matapos ungusan sa naging photo finish si Archand Christian Bagsit ng Letran na kapwa naorasan ng 10.89 seconds.
Napanatili naman ni SEA Games veteran Mervin Guarte ng San Sebastian College ang kanyang titulo sa men’s 800 meters matapos mangibabaw sa tiyempong 1:55.61.
Inangkin naman ni Larick Panes ng Altas ang gold medal sa men’s 400 meters sa tiyempong 50.61 seconds kung saan nagtala sila ng kakamping si Michael Villamor (51.00) ng 1-2 finish.
Sa juniors division, nakaagaw naman ng eksena si Jhun Magtibay ng Emilio Aguinaldo College matapos niyang magtala ng bagong meet record sa long jump sa layong 6.50 meters na sumira sa dating record na 6.09 meters na itinala ni Kris Lance Sikat ng San Serbastian College noon pang Season 82.
Kasama niyang umeksena si Jomar Udtohan ng San Sebastian Staglets na tinanghal namang unang meet double gold medalist matapos manguna sa juniors 100 meter dash (10.99) at juniors 400 meters (52.24). – Marivic Awitan
Related Posts:
- 8 finals, paglalabanan sa athletics
- Ngui, nagtala ng bagong record
- SBC Red Lions, nagparamdam agad
- Volleyball: Perpetual, magpapakatatag sa liderato
- F4 round, matutunghayan sa volleyball
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/heavy-bombers-magdedepensa-sa-korona/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment