Out of the BLUE, umamin si Pangulong Noynoy Aquino na naging “crush” niya si Sen. Loren Legarda noong siya ay teenager pa at 18 anyos pa lang. Ang pag-amin ay ginawa ni PNoy habang kumakain sa isang seafood restaurant sa Iloilo City kasama ang Team PNoy senatorial bets para kumampanya. Naroroon si Loren na pinamulahan ng mukha at hindi raw malaman ang isusubo kung hipon o alimango dahil sa pagkabigla.
Kasamahan noon ng binatang Pangulo na kumakain sina DILG Sec. Mar Roxas, Sens. Koko Pimentel at Antonio Trillanes, ex-Akbayan Rep. Risa Hontiveros, Iloilo Rep. Janette Garin at iba pa na nagsabing parang PALASO raw na tumimo sa puso ni Loren ang pahayag ni PNoy!
Bulong naman ni Tata Berto baka lang daw na-overwhelm ang Presidente dahil nang araw ding iyon, ipinasiya ng “Tatlong Hari” ng UNA na ilaglag na sina Sen. Loren, Sen. Chiz Escudero at Grace Poe, anak ni FPJ, sa line-up nito. Kung hindi man nakatuluyan ni PNoy ang crush niyang senadora, natamo naman niya ang sweet political OO nito nang piliing sumama sa Team PNoy sa Plaza Miranda sa halip na sa UNA sa Plaza Independencia, Cebu City at isnabin ang paanyaya ng Tatlong Damatan!
Si PNoy na noon ay 18 taong gulang pa lang ay unang nakita si Sen. Loren sa Caloocan City, pero kasama raw niya ang GF noon kaya hindi naituloy ang pakikipagkilala sa kanyang crush. Si Sen. Loren ay dating ginang ni ex-Batangas Gov. Antonio Leviste na ang kasal ay napawalang-bisa noong 2008. Hala nga Atty.Dong Badminton, posible pa ba ang Noy-Loren wedding sa 2016?
Naipagdiwang na ang ika-27 anibersaryo ng EDSA 1 na nangyari noong Peb. 22-25,1986. Batay sa report ni Fernando del Mundo, naglatag ng 5 kondisyon ang US govt. kay ex-Pres. Marcos para siya “mailigtas” sa pagbagsak at galit ng mga mamamayan. Ang limang kondisyon diumano ay ang pagsibak kay Gen. Fabian C. Ver bilang AFP chief of staff at ipalit ang noon ay Vice Chief of staff Lt. Gen. Fidel V. Ramos; pagtanggal kay Mrs. Imelda Marcos bilang hepe ng Ministry of Human Settlements at pagbuwag sa Metro Manila Commission na siya ang governor, at hindi pagbibigay sa kanya ng ano mang posisyon sa pamahalaan; pagbuo ng bagong Gabinete; paghirang kay ex-Sen. Arturo Tolentino para sumulat ng bagong Constitution; at paglikha ng bagong Commission na pamumunuan ni ex-Vice Pres. Emmanuel Pelaez na magsisiyasat sa lahat ng human rights abuses.
Related Posts:
- PINOY POPE
- NADENGGOY
- ‘Cory Magic’ epektibo pa – Drilon
- PNOY, GUSTO LIMA MAGING ANAK
- Jun Magsaysay umangat; Loren nangunguna
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/limang-kondisyon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment