BILANG anak ng isang haligi ng pelikulang Pilipino na naging pangulo ng Pilipinas na si Joseph `Erap’ Estrada at ng aktres na sumikat noong dekada `60 at ngayon ay San Juan City Mayor Guia Gomez, madali sanang nakapasok sa pag-aartista ang senatorial candidate na si San Juan Rep. JV Ejercito.
Pero aminado siya na hindi niya ito forte.
“Unang-una, noon pa mang bata pa ako mahiyain na ako. Pangalawa, sa tingin ko hindi ako artistahin. Kaya hayaan na lang natin sa mga artistahin ang showbiz,“ sabi ng batambatang mambabatas nang interbyuhin siya ni Boy Abunda sa The Bottomline.
“Nakakahiya naman kasi superstar si Daddy, `tapos gagawin akong kontrabida, kaya hindi na lang ako nag-artista.“
Mas pinili ni Cong. JV na pumasok sa pagnenegosyo at tulad ng kanyang ina ay nagtagumpay din dito.
“I have always wanted to become a businessman. Kaya nga ako ipinasok sa Xavier School na kung saan ang mga anak ng mga business tycoon undergo early business training. After college, I went into business dahil doon ako nakalinya. I was into construction at mayroon din akong fastfood restaurants.“
Napatunayan ang husay niya sa pagpapatakbo ng negosyo nang maging alkalde siya ng San Juan at umakyat sa P1 billion ang revenue ng siyudad mula sa P300 million sa loob ng anim na taon.
Related Posts:
- TUNGGALIAN
- Obispo kay Erap: Tingnan mo muna sitwasyon sa San Juan
- BLOOPER
- GMA allies dapat busisiin — Ejercito
- Isko vs Lim, may posibilidad
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/03/hindi-ako-artistahin-jv-ejercito/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment