Saturday, March 2, 2013

OCA president, darating sa bansa

Darating sa bansa si Olympic Council of Asia (OCA) president Sheikh Ahmad Fahad Al-Sabah ng Kuwait upang personal na ibigay ang tulong sa nabiktima ng bagyong ‘Pablo’ at alamin ang paghahanda ng Pilipinas sa gagawing selebrasyon sa ika-100 taon ng Asian Games sa Marso 6 hanggang 8.



Sinabi ni PSC Chairman Richie Garcia na nakatakda nilang makasama si Philippine Olympic Committee president Jose “Peping” Cojuangco sa pagsalubong kay Sheikh Ahmad kasama ang 14-kataong delegasyon para sa tatlong araw na pagbisita.


“We will have a very important meeting with regards to the 27th Myanmar SEA Games and also the Asian Games Centennial celebration,” sinabi ni Garcia.


Inaasahan din na sasamantalahin ni Cojuangco na ipaliwanag kay Al-Sabah ang pagtingin ng Pilipinas sa naging desisyon ng Myanmar na alisin ang ilang Olympic sports at palitan ng mas maraming traditional sports na hindi naman nilalaro ng mga miyembrong bansa.


Nakatakdang makasalamuha ni Al-Sabah ang ilang pribadong indibidwal at korporasyon na tumutulong sa sports at maging sa Department of Tourism ukol sa planong isagawa sa bansa ang OCA Congress habang ginugunita ang selebrasyon ng ika-100 taon ng Asian Games.


Ibabahagi ng OCA sa mga benepisyaryo ang $50,000 donasyon para sa mga biktima ng bagyong `Pablo’. Nais ng OCA na makapagpatayo ng mga bahay, sa tulong ng Gawad Kalinga, sa mga nabiktima ng bagyo mula sa lugar ng Compostela Valley, Davao Oriental at Agusan del Sur.


Matatandaan na umabot sa kabuuang $100,000 ang donasyon nakalapa sa mga biktima ng bagyo matapos na magbigay din si International Olympic Committee president Jacques Rogge ng $50,000. – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/03/oca-president-darating-sa-bansa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment