Tuesday, March 19, 2013

‘Kahit Konting Pagtingin’ viewers, nagrereklamo


SUNUD-SUNOD ang natanggap naming email at messages sa Twitter tungkol sa biglaang pagbabago ng timeslot ng Kahit Konting Pagtingin na pinalitan ng Little Champ simula kagabi.


Ayaw pumayag ng loyalistang viewers ng Kahit Konting Pagtingin na ilipat ng oras ang kilig-serye nina Angeline Quinto, Paulo Avelino at Sam Milby, bakit daw may tinitingnan at may tinititigan ang ABS-CBN?



Ang ilan sa mga mensahe sa emails at Twitter, “what the f****! Not fair!!! This is robbery!!! Let’s protest! D*mn it!!! At Unfair talaga ang management ng ABS sa #kkp. `Kainis sila.“


Samantala, nanatili namang tahimik ang ilang ABS-CBN executives nang hingan namin ng reaksiyon tungkol sa maraming supporters na nagagalit.


Anyway, huwag na magtampo ang loyalistang viewers ng Kahit Konting Pagtingin dahil kung talagang mahal nila ang mga idolo nila, kahit na anong oras ito ipalabas, aabangan pa rin nila ito. Ang importante, hindi naman ito inilipat sa madaling araw kaya hindi naman ito makakatapat ng Walang Tulugan ni Kuya Germs. – ­Reggee Bonoan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/kahit-konting-pagtingin-viewers-nagrereklamo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment