Tuesday, March 19, 2013

Stray bullet victim, dumalo sa graduation ceremony sa Caloocan City

Kahit may nararamdaman pang sakit dahil sa bala na nananatiling nakabaon sa kanyang ilong, dumalo pa rin sa Graduation Day noong Lunes ang 17-anyos na binatilyong tinamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City noong nakaraang buwan.



Ginulat ni John Kurt Galang, ng Phase 2, Zone 15, Bagong Silang, ang kanyang mga kaeskuwela at mga guro nang dumating siya sa Bagong Silang National High School para umakyat sa entablado at kunin ang kanyang diploma.


Magugunitang Pebrero 19 nang tinamaan ng ligaw na bala sa ulo si Galang habang natutulog sa kanilang bahay bandang 2:00 ng madaling araw.


Ayon sa ina ng biktima na si Marivic Galang, 39, Marso 9 lang nang lumabas sa East Avenue Medical Center ang kanyang anak at ito mismo ang nagpumilit na dumalo sa graduation.


Halata na hindi pa maayos ang kondisyon ni John Kurt dahil may lumalabas pang tubig sa ilong nito, na ayon kay Marivic ay nanggagaling sa ugat malapit sa ulo.


Hindi pa rin inaalis ng mga manggagamot ang bala sa ilong ng biktima at isasalang pa sana ito sa ikaapat na CT scan, pero kinapos na sa pera ang pamilya nito. – Orly L. Barcala





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/stray-bullet-victim-dumalo-sa-graduation-ceremony-sa-caloocan-city/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment