Tuesday, March 26, 2013

Karylle at Christian ‘pa rin’?

Karylle at Christian

KINIKILIG sa isa’t isa sina Karylle at Christian Bautista sa birthday celebration ng dalaga noong Biyernes (Marso 22) ng madaling araw kasama ang ilang alaga ng Stages talent management company na kinabibilangan nila.



May nag-post ng video sa Facebook na binigyan ni Christian si Karylle ng cake at pina-blow ng candles, dinig na dinig sa video na hinihilingang i-kiss ng binata ang dalaga, at kitang-kita na parehong kinikilig ang dalawa.


May ‘something’ naman talaga noon ang dalawa na hindi lang natuloy dahil naunahan na sila ng hiya kasi nga magkaibigan sila.


Pero ramdam mo sa dalawa na pareho silang nagki-care sa isa’t isa hanggang sa sumipot na si Yael Yuson sa buhay ni Karylle. Ginagawa nila ang Kitchen Musical sa Singapore nang makilala ni Christian ang girlfriend niya ngayon na si Carla Dunareanu na nandito na rin sa Pilipinas (DJ sa Magic 89.9 FM).


Samantala, napansin namin na wala sa birthday celebration ni Karylle sina Yael at Carla. Bakit?


At ano ang ibig sabihin ng mahigpit na yakap ni Christian kay Karylle bago siya umalis sa venue habang nakatingin naman sa kanya ang dalaga?


Anyway, balita namin ay boto ang daddy ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari kay Christian at ganoon din ang magulang ng binata sa dalaga. –Reggee Bonoan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/26/karylle-at-christian-pa-rin/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment