Nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga lider ng Pilipinas at ng buong mundo na pakinggan ang panawagan ni Pope Francis na ilaan ang sarili sa paglilingkod sa mga nadadaya sa kanilang karapatan.
Ayon kay Pimentel, isang debotong Katoliko, maraming komento sa malaking hamon na haharapin ni dating Jorge Mario Cardinal Bergoglio bilang bagong lider ng Simbahang Katoliko.
“Tayong mga lider pulitikal ay dapat ding magnilay-nilay sa hamon na ating haharapin bilang lingkod-bayan at kung paano totoong mapaglilingkuran ang mahihirap at naaapi,” anang senador.
“Ang pagpapakumbabang ipinakita ng Santo Papa ay may mensahe sa ating lahat. Nahalal lamang tayo dahil sa mandato ng mamamayang dapat nating paglingkuran,” sabi ng senatorial candidate ng Team PNoy.
Umaasa rin si Pimentel na makabibisita si Pope Francis sa Pilipinas, dahil ang bansa ang pinakamalaking bansang Katoliko sa buong Asia. – Beth Camia
Related Posts:
- Binay dadalo sa papal inauguration
- Pope Francis, bibisita sa Cebu?
- Mahihirap, kapayapaan, prayoridad ng Simbahan
- ‘I have high hopes for the Philippines’ — Pope
- Librong ‘The Jesuit’ tungkol kay Pope Francis,…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/26/koko-sundin-si-pope-francis/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment