Sunday, March 24, 2013

Lloydie, Sarah may ‘special something’

Ni Jimi Escala


John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo SA prescon ng It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema ay inamin ni John Lloyd Cruz na tumigil siya sa panliligaw noon kay Sarah Geronimo dahil inirespeto niya ang desisyon ng mga magulang ng dalaga.


Dahil sa pahayag ng mga magulang ni Sarah na hindi pa puwedeng ligawan ang anak nila, hindi na itinuloy ni Lloydie ang kanyang balak.



“Oo, kasi bago ngayon, ha, at that time talagang hindi naman talaga p’wede. May rules `yung kanyang nanay at tatay and you have to respect that. So, kung `di p’wede at kung `di n’yo kayang panindigan… halimbawa `yung isang lalaki, alam mo naman `yung rules, kung alam mo, don’t try to break them kasi nandu’n `yun sa simula, eh,“ paglilinaw ni John Lloyd nang makausap namin siya right after the prescon proper ng bagong pelikula nila ni Sarah.


Pero hindi kami madiretso ni Lloydie kung talagang na-in love ba siya kay Sarah noon. Basta kahit ano raw ang mangyari ay laging may isang special something sa kanila ni Sarah.


“Sa pagkakaalam ko, eh, kami ni Sarah, we have this very special connection na mahirap ipaliwanag. Kaming dalawa lang ang makakaintindi. Hindi mo alam kung paano nagsimula, hindi mo alam kung pa’no matatapos at kung saan papunta, `yun `yun. `Yun lang `yun,“ medyo palaisipang lahad ng aktor.


Dagdag pa ni Lloydie, napakaespesyal daw ng pagkakaibigan nilang dalawa na hindi raw niya kayang ipaliwanag.


Kaya sa shooting ng It Takes a Man and a Woman ay mas nadagdagan daw at lalong tumibay ang naiibang friendship nila.


“So far, ito `yung pinakamaganda naming relasyon. Siguro kagaya du’n sa story, nagmature `yung dalawa, nagkaroon ng greatest learnings sa buhay nila, and sumabay rin siguro `yun sa amin,“ sabi pa ni John Lloyd.


Ipapalabas na this coming March 30 sa 100 theaters nationwide ang bagong pelikula nila sa direksiyon uli ni Cathy Garcia-Molina.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/lloydie-sarah-may-special-something/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment