Sunday, March 24, 2013

Political dynasty, itinanggi ni Pacquiao

Ni JC Bello Ruiz


GENERAL SANTOS CITY – Kilala siyang sumusugod sa kalaban sa boxing ring, ngunit sa pagkakataong ito, nakadepensa ang eight-division world boxing champion na si Sarangani Representative Emmanuel “Manny“ Pacquiao sa usaping nagtatag siya ng political dynasty sa Mindanao.



Sa panayam sa Dolores Tropicana Resort, nagkibit-balikat ang mahusay na boksingero sa mga batikos laban sa mga kamag-anak niyang kandidato rin sa eleksiyon sa Mayo 13.


Bukod sa kumakandidato siya para sa isa pang termino bilang kongresista ng Sarangani, tatakbo ring bise gobernador ng probinsiya ang asawa niyang si Jinkee Pacquiao, sa ilalim ng lokal niyang partido na People’s Champ Movement (PCM).


Kandidato naman para maging kinatawan sa Kongreso ng unang distrito ng South Cotabato ang nakababata niyang kapatid na si Rogelio “Roel” Pacquiao.


“Hindi naman,” sagot ni Manny nang tanungin kung nagtatayo ba ang kanyang pamilya ng sariling political dynasty.


Walang makakalaban sa eleksiyon sa Mayo, sinabi ng tinaguriang Pambansang Kamao na marami nang nagawa ang kanyang grupo kahit tatatlong taon pa lang sa serbisyo.


“In fact, ang maipagmamalaki namin is ‘yung serbisyo namin. Zero corruption, serbisyong totoo at in a short time marami kaming nagawa,” sabi ni Manny.


Nilinaw din ng boksingero na nauna pang sumabak sa pulitika ang kapatid niyang si Roel, na dating chairman ng Barangay Apopong.


Nitong Sabado, pormal na inendorso ni Manny ang mga kandidatong senador ng United Nationalist Alliance (UNA), na kaalyado ng kanyang PCM, na sina Nancy Binay, dating Tarlac Governor Tingting Cojuangco, Cagayan Rep. Jack Enrile, dating Senator Richard Gordon, Senator Gregorio Honasan, dating Senate President Ernesto Maceda, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, gayundin si Brother Eddie Villanueva ng partidong Bangon Pilipinas.


Una nang nagpahayag ng suporta sa kandidato ng Team PNoy na si Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, sinabi ng world boxing champion na isa pang kandidato ng administrasyon ang kanyang ieendorso para makumpleto ang sarili niyang “Magic 12.”





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/political-dynasty-itinanggi-ni-pacquiao/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment