Monday, March 11, 2013

Malacañang: ‘Di mandaraya sa eleksiyon

Wala umanong plano ang administrasyong Aquino na mandaya upang matiyak ang panalo ng mga senatorial candidate nito sa May 2013 elections.


Ito ay bilang sagot ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte sa alegasyon ng opposition na ang pagkakatalaga Macabangkit Lanto bilang Commission on Elections (Comelec) commissioner ay bilang paghahanda ng gagawing pandaraya ng Liberal Party.



“Those fears are unfounded and unsubstantiated. They claim that since we are seeking a 12-0 (sweep para sa Team PNoy), that implies there will be cheating. That’s unsubstantiated,” sinabi ni Valte.”There is no truth to these allegations.”


Unang inakusahan ng United Nationalist Alliance (UNA) ang administrasyong Aquino na magsasagawa ng pandaraya sa eleksiyon sa Mayo 2013 sa pagtatalaga kay Lanto bilang Comelec commissioner.


Isang dating ambassador at Department of Justice undersecretary, si Lanto ay inirekomenda umano ni Senator Franklin Drilon, campaign manager ng Team PNoy, sa puwesto.


Tiniyak naman ni Valte na reresolbahin ng Malacañang ang isyu na inilabas ng iba’t ibang grupo hinggil sa pagkakatalaga kay Lanto. – Genalyn D. Kabiling/Manila Bulletin





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/malacanang-di-mandaraya-sa-eleksiyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment