Matapos dalawang ulit na naipagpaliban, itinakda sa darating na Marso 23 ang eleksiyon ng Philippine National Shooting Association (PNSA) kung saan inaasahan ang paghalal sa bagong pamunuan matapos na tuluyang umayaw sa pagkapangulo ang namumuno na si Mikee Romero.
Bagaman marami sa miyembro ang nagnanais na manatili sa puwesto si Romero sa ginanap na pulong upang maresolbahan ang kaguluhan sa kuwestiyonableng voting list noong nakaraang linggo, hayagang sinabi nito sa mga opisyal at miyembrong dumalo ang pagbibitiw sa posisyon.
“I thank them for their trust and confidence in my leadership,” ang tanging nasabi ni Romero.
Matatandaang idineklara ang failure of election matapos ipag-utos ng POC membership committee sa ilalim ni 1st Vice-President Jose Romasanta na ayusin ang listahan ng mga lehitimong miyembro na una nang kinuwestiyon bunga ng pagkakaroon ng iregularidad.
Inatasan ng bawat grupo sa PNSA upang tumayong Comelec sina Ronald Robles bilang Chairman at miyembro naman sina James Chua (MTA), Ronald Hejastro (Pistol), Danilo Flores (Rifle), Nonie Alvarez (Practical) at Larry Marinas (Non-ISSF).
Una nang pinigil ang eleksiyon matapos na ilabas ng Comelec sa pamumuno ni Robles ang kabuuang listahan ng asosasyon na binubuo ng 45 sa pistol, 38 sa rifle, 31 sa practical at 14 sa non-ISSF. (Angie Oredo)
Related Posts:
- Eleksiyon sa PNSA, muling itinakda
- PNSA election sa Marso 2
- Romero, tatakbo uli sa PNSA
- SEASAC 2013, itataguyod ni Romero
- PSA forum, gagawin ngayong Martes
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/pnsa-elections-sa-marso-23/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment