Friday, March 1, 2013

Manoy, excited makatrabaho si Coco


Handang-handa na para sa kanyang unang teleserye sa ABS-CBN ang multi-awarded veteran actor-director na si Eddie Garcia. Nalalapit na ang kanyang pagpasok sa kapana-panabik na kuwento ng no. 1 superhero drama series sa bansa na Juan dela Cruz.



“I’m really looking forward to work with Coco Martin dahil nakakabilib talaga ‘yung talent niya as an actor,” pahayag ni Manoy. “Sa palagay ko talagang magkakasundo kami sa trabaho at tiyak kong magkakatulungan kami para mapaganda lalo ang Juan dela Cruz.”


Bibigyang buhay ni Eddie sa serye ang karakter ni Fr. Julio, ang astig na pari na palihim na nagmamanman kay Juan dela Cruz.


Sa pagpasok ni Fr. Julio sa kuwento, tuklasin ang misteryo sa likod ng kanyang tunay na pagkatao at subaybayan ang mga rebelasyon na magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ni Juan. Ano ba ang totoong pakay ni Fr. Julio kay Juan? Kaibigan ba siya o kaaway?


Huwag palampasin ang nalalapit nang pagsabak ni Eddie sa kanyang first ever Kapamilya teleserye, Juan dela Cruz, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/manoy-excited-makatrabaho-si-coco/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment