Tuesday, March 19, 2013

Mayor Recom, may nilabag – COA

Ginastos umano ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mahigit P1 billion pondo ng siyudad nang walang kaukulang ordinansa mula sa Sangguniang Panglunsod, ayon sa annual report ng Commission on Audit (COA).


Ang 64-pahinang report nina Divinia M. Alagon, COA Director IV for NCR; at Joel S. Estolatan, supervising auditor, ay nakapaskil ngayon sa website (http://www.coa.gov.ph/) ng ahensiya.



Ayon sa audit, mahigpit ang naging paglabag ng pamunuan ni Echiverri sa Local Government Code (Section 287, RA 7160) na P81.911 million ang nalustay nang walang kaukulang resolusyon na inaprubahan ng City Council.


Nalustay din ang P980 million pondo mula sa P1.420 billion na inutang ni Echiverri sa Land Bank of the Philippines (LBP) nang walang pahintulot ng Sangguniang Panlungsod.


Ayon sa report ng COA, ang nasabing paglabag ni Echiverri ay gaya ng pinagbatayan ng suspensiyon ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.


Nabisto sa COA report na ang P81.911 million ay inilagom (lumped) sa 2011 Annual Appropriations nang walang kaukulan at detalyadong proyekto at pinagkagastusan na aprubado ng City Council.


Ang P980 million naman na nakapaloob sa 2011 Supplemental Budget No. 1 ay wala ring resolusyon.


Ayon sa COA findings, mismong ang Korte Suprema ang nagdeklara na ilegal ang paggastos ng pondo at isang malinaw na paglabag sa RA 7160 kung walang detalyado at kaukulang resolusyon bago gastusin ang pondo.


Nakasaad pa sa COA report na kulang din ng P271,738,354.34 ang cash money sa bank book (P349,371,750.74) at cash na nakasaad sa libro ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City na umabot sa P621,108,105.08.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/mayor-recom-may-nilabag-coa/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment