Tuesday, March 19, 2013

Volleyball, hit sa Laro’t Saya

Ipinamalas ng volleyball ang pagiging isa sa pinakapopular na isports sa bansa matapos na lumahok ang 90 katao sa pagsisimula ng libreng volleyball clinic kahapon ng Philippine Sports Commission-National Parks Development Commission na Laro’t Saya (Play & Learn) sa Burnham Green grounds sa Luneta Park sa Manila.



Ang grassroots development project ng PSC at NPDC na nasa ikalimang linggo pa lamang ay asam na pasiglahin ang bakanteng lugar sa makasaysayang parke ng bansa sa pagsasagawa ng iba’t ibang laro na tulad ng arnis, chess, aerobics, badminton, football, frisbee, kite flying, karatedo, taekwondo at ang volleyball.


“We want to have at least 12 sports that will most likely had the good number of participants,” sinabi ni PSC project director Larry Domingo.


Ang nagturo ng volleyball ay mismong dating national volleyball at basketball players na si Virginia de Jesus

(1970-1985) at Minerva Dulce OrtizPante (1966-1970) kasama ang ilang miyembro ng binubuong national women’s pool. Matatandaan na si De Jesus ay ang secretary general ng Philippine Volleyball Federation at director naman si Pante.


“Malaki ang pasasalamat ni PSC chairman (Ricardo) Garcia kina Ms. De Jesus at Ms. Pante dahil gusto nilang makatulong na higit pang mapasigla ang larong ito na alam naman nating isa na rin sa paborito ng marami ngayon,” pahayag ni Domingo, na inasistihan sa operasyon nina Norberto Dinglasan at Warren Gabriel ng PSC Property Department.


Itinala ng volleyball ang rekord na nagpartisipa sa aktibidad sa mahigit na 100 lumahok habang may 81 ang nakibahagi sa aerobics, 78 sa football, 47 sa badminton, 31 sa taekwondo, 24 sa arnis at tig-20 sa chess at karatedo. – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/volleyball-hit-sa-laro%e2%80%99t-saya/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment